117 recovering drug addicts sumali sa Community Based Drug Rehab Program ng Poblacion

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/09/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ISANDAAN AT LABIMPITONG MGA recovering drug addicts ang tumugon sa panawagan ng City government sa pagsisimula ng Community Based Drug Rehabilitation Program ng Barangay Poblacion.

Nais ng City Government na tulungang makapagbagong buhay ang mga dati ng nalulong sa bisyo ng bawal na gamot kaagapay ang mga partner agencies sa programa.

Aabotin ng labindalawang sessions ang Community Drug Rehab Program kung saan ay sasailalim sa counseling ang mga kalahok.

Kada araw ng Huwebes ipinatutupad ang programa, ayon pa kay Poblacion Barangay Chair Arnold Sumbiling.

Sa Barangay Hall complex ng Poblacion ginaganap ang Community based Drug Rehab Program.

Maliban sa counseling, may kaakibat din na skills training ang programa upang makapagbigay ng livelihood opportunities sa mga kalahok.

Pangatlo ng pagkakataon na ipinatutupad ang nabanggit s alungsod.

Una na itong ginawa sa Barangay Nuangan at Barangay Mua-an.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio