NEWS | 2018/09/18 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – MULING NAPILI BILANG ISA SA 2018 TOP 50 Most Competitive Local Government Units ng bansa ang Kidapawan City.
Nakakuha ng matataas na ranking ang Kidapawan City sa apat na pangunahing criteria ng gawad na binubuo ng: Government Efficiency, Economic Dynamism, Infrastructure at Resiliency rankings.
Nakuha ng Kidapawan City ang 18th place mula sa 122 Independent Component Cities category na sinurvey ng Department of Trade and Industry National Competitive Council.
Ito ay mas mataas kumpara sa 24th place na nakuha ng lungsod noong 2017, ayon na rin sa DTI.
Mula sa 122 Component Cities and Municipal LGU’s ng bansa, nasa ika 4 ang lungsod sa Government Efficiency Rank, 35 sa Economic Dynamism; 18 sa Infrastructure at 34 naman sa Resiliency Rank.
Pinuri ng DTI ang mga nagawa ni City Mayor Joseph Evangelista na makaakit ng dagdag na puhunan sa lungsod.
Maliban sa mas madali at mabilis na ang pagpo-proseso ng mga negosyante ng kanilang Business Permits and Licenses mula sa City Hall, sinusukat din nito ang mataas at de kalidad na uri ng pamumuhay ng mamamayan, mataas na employment rate at maunlad na kabuo-ang estado ng negosyo at kalakalan.
Kasali rin ang presensya ng mga pangunahing proyektong pang-imprastruktura gaya ng mga maayos na daan, public facilities and utilities tulad ng telecommunications, elektrisidad, tubig, public transport at iba pa.
Patunay lamang ito na umuunlad ang lungsod at patuloy na sinusuportahan ng mga mamamayan ang mga programa at proyekto ng City Government.
Nakatakdang tatanggapin ni Mayor Evangelista ang National Competitive Index Award ng DTI sa Regional Awarding Ceremonies para sa Rehiyon Dose sa October 2018 sa Koronadal City. (CIO/LKOasay)