Barangay Singao
Hinango ang kanyang ngalan mula sa isang malaking guwang na kilala bilang “Singaw”, ang pinagmumulan ng tubig ay mula sa sapa na ang ngalan ay “SINGKATO” sa bandang itaas ng Nuangan. Ang Singao ay dating sitio ng baryo saguing na isang baryo ng Kidapawan noon bago nahati ang subdibisyon ng Makilala mula sa Kidapawan, na kung saan ang hangganan ay ang ilog ng Saguing.
Ang mga unang residente ay mga pamilya ng Burcao, Remorosa, Timtim, Pamerio. Ang unang hinirang na Tenyente del Baryo ay si G. Martin Burcao, isang netibo mula sa Mountain Province. Ang Singao ay naging ganap na baryo sa bisa ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 serye 1947.
Lupang Sakop: 1246.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 5 km.
Barangay Sudapin
Ang sudapin ay dating sitio “Old Townsite” (ngayon a Manongol).
Noong ang isang Paaralang Primarya ng Manongol, ang mga residente ng sitio Manongol (ngayon ay Sudapin) ay nagpasimulang magpitisyon sa konseho ng munisiyo para sa patatatag ng bagong baryo. Si G. Celso Melodias ay dating Tenyente del Baryo ng “Old Townsite” at G. Amado Pinantao na isa sa mga konsehal at residente ng Sitio Sudapin.
Sa dahilang ang sitio ay may mahigit na 50 ulo ng pamlya na isa sa mga kakailanganin bago itatag ang isang baryo ang sitio ay ganap na humiwalay sa dating “Old Townsite” at ang unang Tenyente del Baryo ay si G. Amado Pinantao.
Ang pangalang “Sudapin” ay kinuha sa 3 prominenteng Datu na residente ng sitio na ang ngalan ay: SUMIN, DALLY at PINANTAO.
Lupang Sakop: 660
Distansiya mula sa Kidapawan: 4 km.
Barangay Sikitan
Ito ay isinunod sa pangalan ni Datu Sikitan na namuno sa nakararaming tribu ng lugar. ang mga lugar ay okupado ng mga Manobo, Bagobo at Muslim. Ang Sikitan ay pinaniniwalaang unang baryo ng San Isidro, New Cebu, Sto. Niño at Katipunan. Ang mga kristiyanong mula sa Cebu, Panay at ilang namula sa Western Visayas ay nag-pasimulang dumating noong 1935. Bumili sila ng mga lupa sa mgakatutubo. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 521.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 12 km.
Barangay Sibawan
Paboritong tagpuan ng mga katutubo mula sa magkakalapit na munisipyo upang maglaro ng “Sibaw”. Nitong huli ay tinawag nilang SIBAWAN, lugar na kung saan nilalaro ang “SIBAW”. Sa bisa ng atas tagapagpaganap bilang 82. Si Datu Basiao Manay at ang kanyang kapatid na si Arturo ang mga kinikilalang lider.
Luoang Sakop: 730.4
Distansiya mula sa Kidapawan: 8 km.
Barangay Sto. Niño
Ang Baryo ng Sto. Niño ay pinangalanan ng ga unang kristiyanong tumira sa lugar na ang karamihan ay Cebuano at ang ilan ay Bagobo. Ang Sto. Niño ay patron ng Cebu. Noong 1966, ang mga nakatira nito ay nag nais na humiwalay sa New Cebu, kinabibilangan nitong baryo. Sa bisa ng resolusyon bilang 86, serye ng 1971, ang konseho Munisipal ay gumawa ng resolusyon sa ikapagiging baryo ng Sto. Niño. Ang unang Tenyente del Baryo ay si G. Sinforiano Espina.
Lupang Sakop: 533.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 16 km.
Barangay San Roque
Ang San Roque ay dating sitio ng baryo Sikitan. ag mga unang nairahan ay maga Boholano at Cebuano. Bilang mga taong relihiyoso, sila ay nagpatayp ng isang simbahan na ipinangalan nila ay San Rque na kinuha sa pangalan ng patron ng Hitagum, Cagayan de Oro, na kung saan, ang unang itinalagang Tenyente del Baryo na ang ngalan ay Telesforo Bunayog.
Noong 1959, si Alkalde alfonso Angeles ang nagproklama sa San Roque bilang ganap na baryo sa bisa ng resolusyon bilang 50. Si G. Pedro Cupot ng Leyte ay pormal na ibinoto bilang bilang unang Tenyente del Baryo at sinundan bi G. Enghog.
Lupag Sakop: 609.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 21 km.
Barangay San Isidro
Ang San Isidro ay dating sitio ng baryo Sikitan. Ang mga unang nairahan dito karamihan ay Cebuano at Boholano. Bilang mga taong relihiyoso, sila ay nagpatayo ng isang simbahan na pinangalanan nilang San Isidro. Ito rin ay karangalan ng kanilang kinikilalang patron na isinuod nila rito ang pangalan ng Sitio na San Isidro.
Noong 1959, si Alkalde Afonso Angeles, Sr., ay nagdeklara sa ikapagiging regular na baryo sa bisa ng resolusyon bilang 50, at ang unang itinalagang Tenyente del Baryo ay si G. Patrocenio Chavez noong 1962. si G. Martin Guillano ang pormal na iniluklok bilang unang ibinotong Tenyente del Baryo nga Sa Isidro.
Lupang Sakop: 623.6
Distansiya mula sa Kidapawan: 14 km.
Barangay Poblasyon
Ang mga unang pangunahing pamilya (pioneer families) na nairahan sa Kidapawan o Poblacion a ang mga pamilyang Madrid, Dimaano, Sampayan, Sibug, Saniel, Rellin, Sugbulao, Landichos, Tacardon, Hizon, Zarza, Tolentino, Pasual, Espejo, Labastida, Angeles, CAbales, Evangelista, Respicio, Semilla, Galy, Calayco, Lucero, Belarmino, Kintanar, Ocampo, Galang, malbas at marami pang iba.
Lupag Sakop: 622
Barangay Perez
Taong 1930, may isang Pampangueñong mangalakal na nagpapabili ng mga damit at kumot sa Lungsod ng Davao at Kidapawan. Ang isa sa kanila ay si G. Bernardino P. Canlas. Ang lalaking ito ay dating scout U.S. pensionado at hindi na aktibong sundalo sa panahong iyon, kaya pumunta siya nang Kidapawan bilang negosyante. Siya ay anak ni pedro Canlas at Nicolasa Perez ng Macabebe, Pampanga.
Taong 1938, ang pamangkin niyang nagngangalang Augustin Sanga ay pumuntang kasama niya upang magpabili ng damit sa Kidapawan. Sa panahong ito, ang “Uncle – Nephew Company” ay magsimulang manatili nang pirmihan sa lugar. Si Bernardino Canlas ay nagpakasal sa isang Bagoba na ang ngalan ay Macanay Lamilongan na nagsilang ng 9 na anak. Sa isang taong nagdaan, si Augustin Sanga ay nag-asawa rin ng isang Manoba na ang ngalan ay Juanita Imbod na nagkaroon ng 8 anak. sila ang unang kristiyanong omukupa sa lugar. Noong 1940, sa kasunduan nina Canlas at Sanga, Pinangalanan nila ang pook na “PEREZ” bilang parangal sa ina ni Canlas at tiya rin ni Sanga.
Sa ganito kinuha ang pangalan ng barangay. Si Augustine Sanga ang unang naging unang Tenyente del Baryo sa bisa ng paghirang ni Alkalde Alfonso Angeles, Sr., noong 1947. Nanglingkod siya sa baryo nang mahigit 32 taon.
Lupang Sakop: 2,069.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 9 km.