Tricycle seminar at inspection sa December 4, 5, 6 at 7 2018

You are here: Home


NEWS | 2018/11/26 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

November 26, 2018

Tricycle seminar at inspection sa December 4, 5, 6 at 7 2018

KIDAPAWAN CITY – MAAGANG GAGAWIN sa December 4,5,6 at 7 2018 ang seminar at inspection ng lahat ng tricycle na bumibyahe sa lungsod

Ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagsasagawa ng maagang seminar at inspection upang hindi na mahihirapan pa ang mga operators at drivers sa renewal ng kanilang tricycle franchise pagsapit ng January 2019.

Mandatory na para sa mga hindi pa nagpapakulay ng ‘off white’ ang pagpipintura ng kanilang units, ayon na rin sa Traffic Management Unit.

Gagawin ng TMU at City Tricycle Franchising Regulatory Board o CTFRB ang seminar at inspection.

Alinsunod na rin sa unified color coding scheme sa taong 2020 kung saan inaasahang 100% ng kulay puti ang lahat ng 3500 tricycles na bumibyahe sa Kidapawan City.

Ganito rin sa mga units na ‘kupas’ na ang kanilang pinturang puti na kinakailangang magpadagdag ng kulay sa kanilang tricycle, dagdag pa ng TMU.

Maliban sa kulay puti, dapat din na gumagana ang mga passenger, signal at break lights; may garbage receptacle sa loob ng unit, maayos ang mga upuan at siyempre, kumpleto ang dokumento gaya ng franchise, OR/CR ng motor at dapat may professional driver’s license ang mismong tsuper.

Narito ang mga schedules:

December 4 8:30 am at 1:00 pm para sa lahat ng rutang KD-1.

December 5 8:30 am para sa lahat ng KD-2,3 at 4.

December 5 1:00 pm KD-5,6 at 7.

December 6 8:30 am KD-8,9,10 at 11;

December 6 1:00 pm para sa lahat ng KD numbers na hindi pa nakaka-attend ng seminar.

December 7 8:30 am para sa lahat ng mga KD na hindi pa nakaka-seminar sa mga petsang nauna ng nabanggit.

Mangyaring dalhin ng mga operators at drivers ang kanilang pragkisa, OR/CR at Professional Driver’s License sa seminar.

Sa linggong ito na ipagbibigay alam naman ng TMU at CTFRB ang lugar kung saan gagawin ang seminar.

Wala ng extension na ibibigay pa ang City Government.##(CIO/LKOasay)

Photo Caption- UNIFIED COLOR CODING SCHEME NG MGA TRICYCLE IPATUTUPAD NA SA 2020: Dapat kulay ‘off-white’ na ang lahat ng tinatayang 3,500 bilang ng bumibyaheng tricycle sa Kidapawan City sa taong 2020. Magiging mandatory na ang pagpapakulay ng puti bilang bahagi ng rekisitos sa renewal ng tricycle franchise sa Enero 2019.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio