City Gov’t nakatulong sa mataas na participation rate ng mga pampublikong paaralan – DepEd

You are here: Home


NEWS | 2018/12/04 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE
December 4, 2018

City Gov’t nakatulong sa mataas na participation rate ng mga pampublikong paaralan – DepEd

KIDAPAWAN CITY – 98% SA ELEMENTARY AT 97% SA HIGH SCHOOL ang naitalang participation rate ng City Schools Division ng DepEd para sa school year 2018-2019.

Resulta ng tulong ng City Government sa mga pampublikong paaralan ang natalang mataas na participation rate ng DepEd, ayon pa kay City Schools Division Head Romelito Flores na kanyang sinabi sa State of the Division Address December 3, 2018 sa pagdiriwang ng DepEd day sa lungsod.

Ang naturang accomplishment ay bahagi ng partnership ng City Government at DepEd sa pagsegurong lahat ng mga bata ay nag-aaral sa paaralan.

Ani pa ni Flores, nakamit ang bilang na nabanggit sa tulong ng P300 na subsidy ng City Government para sa bawat batang nag-aaral sa elementary at public high school sa Kidapawan City.

Nalibre na ng Parents Teachers Association subsidy mula sa City Government ang pag-aaral ng mga bata sa public school, wika pa ng opisyal.

Maliban dito ay may libreng Supplemental Feeding din ang City Government at DepEd para sa mga bata na malnourished sa mga pampublikong paaralan.

Inilibre na rin ng City Government ang pag-aaral ng mga batang katutubo sa pitong mga IP Schools sa ilang barangay ng lungsod.

Upang magkaroon ng ibayong kakayahan ang mga guro, sinagot ng City Government ang bahagi ng kanilang Post Graduate Studies o Masteral Courses.

Sa ganitong pamamaraan ay napapanatili ng DepEd Schools Division ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga public schools.

Taong 2017 ng simulang ipagdiwang ng City Schools Division ang Kidapawan City DepEd Day tuwing December 1.

Nagpalabas ng isang Executive Order si Mayor Evangelista para sa nabanggit bilang pagbibigay pugay sa mahahalagang kontribusyon ng mga guro sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Ngayong taon ay isinali na sa pagdiriwang ang mga teachers mula naman sa mga pribadong paaralan sa Kidapawan City.

Highlight ng pagdiriwang ang State of the Division Address na ibinabahagi ng DepEd Schools Division Superintendent.

Kasali din ang pagbibigay parangal sa mga non-teaching personnel ng City DepEd na kinilala sa kanilang magandang performance sa trabaho. ##(CIO/LKOasay)

Photo caption – SPECIAL EDUCATION FUND UTILIZATION IPINAGBIGAY ALAM NG DEPED SA CITY GOVT: Ibinigay ni City DepEd Chief Romelito Flores kay City Mayor Joseph Evangelista ang talaan sa kung papaanong ginasta ng City Schools Division ang kanilang Special Education Fund o SEF sa pagdiriwang ng City Teachers Day December 3, 2018. Kasama din sa larawan sina City DepEd Officials Jasmin Isla at Meilrose Peralta.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio