Mayor Evangelista bukas sa mga kritisismo

You are here: Home


NEWS | 2018/12/05 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE
December 5, 2018

Mayor Evangelista bukas sa mga kritisismo
KIDAPAWAN CITY – BUKAS si City Mayor Joseph Evangelista sa mga kritisismong pumupuna sa kanyang pamamalakad.
Reaksyon ito ng alkalde ng tanungin patungkol sa pagiging 5th Most Competitive City ng lungsod sa buong Mindanao batay na rin sa inilabas ng National Competitive Council ng Department of Trade and Industry sa mga Most Outstanding Cities 2018 ng bansa.
Ani pa ng alkalde, bahagi lamang ng pagbibigay serbisyo publiko ang kritisismo sa kanyang administrasyon.
Maliwanag na tumaas ang antas ng performance ng City Government sa larangan ng Government Efficiency and Resiliency, Business Friendliness at Infrastructure, wika pa ni Mayor Evangelista.
Nariyan ang Public Safety Program sa pamamagitan ng Call 911, Social Welfare Desk para sa mga nangangailangan ng ayudang medikal; PTA subsidies na ginawang libre ang pag-aaral sa mga public schools; matataas na Tax Collection Efficiency, Electrification project sa mga tahanan at pagbibigay ng serbisyong patubig sa mga malalayong barangay; Street lighting Project, Maternal Health Care and Wellness Program; pagpapatayo ng mga Barangay Health Stations; dagdag na mga city roads at public infrastructures, pagbibigay ng ayudang abono, seedlings at farm equipments sa mga magsasaka; livelihood assistance katuwang ang Department of Labor and Employment; Pabahay sa mga informal settlers, Business One Stop Shop para gawing mas mabilis ang pagpo-proseso at aplikasyon ng business permit and licenses.
Kumpiyansa na ring mamuhunan ang mga investors sa Kidapawan City dahil na rin sa epektibong pamamalakad ng alkalde.
December 8, 2018 ay pangungunahan ni Mayor Evangelista ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong P1.5 Billion na bagong JS Gaisano Mall sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral.
Ang nabanggit ay isa lamang sa mga multi-million investments na pumasok sa Kidapawan City mula pa 2013 na siya ring unang taong termino ni Mayor Evangelista.
Nauna lamang ang Davao; Cagayan de Oro; Tagum at Cotabato City sa Kidapawan City sa Most Outstanding Cities ng Mindanao sa taong 2018 batay na rin sa inilabas na report ng National Competitive Council.##(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio