Mayors Alfredo Coro II, of General Luna, Surigao del Norte, Lina Montilla of Tacurong City in Sultan Kudarat and Carolyn Farinas of San Felipe, Zambales, listened to Mayor Joseph A. Evangelista in the panel discussion during the Bridging Leadership International Colloquium, attended by top leaders and local officials held at the Tower Club PhilamLife Bldg, Makati City, on December 6.
Mayor Joseph A. Evangelista, is one among the panelists during the Bridging Leadership International Colloquium, attended by top leaders and local officials held at the Tower Club PhilamLife Bldg, Makati City. The mayor was invited to share good practices of the Local Government Unit of Kidapawan in terms of good governance putting Kidapawan in the hall of fame being awarded as Seal of Good Local Governance for three consecutive years.
PRESS RELEASE
December 5, 2018
Christmas bonuses didiretso sa kamay ng mga empleyado ng City Government – Mayor Evangelista
KIDAPAWAN CITY – PERANG MATATANGGAP at diretso na sa kamay ng mismong empleyado ang kanyang christmas bonus mula sa City Government.
P30,000 na cash bonus ang matatanggap ng bawat regular at casual employee ng City Government.
P5,000 na cash at P2,000 na gift checks ang para naman sa mga job order workers samantalang mabibigyan din ng pamasko ang mga public school teachers; at mga barangay officials at barangay workers.
Ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa City Treasurer’s Office na payroll system at hindi na idadaan pa sa ATM ng empleyado ang kanyang matatanggap na Christmas bonus.
Mapapasakamay mismo ng empleyado ang kanyang bonus ng hindi na dadaan pa sa mga indibidwal na kanyang inutangan ng pera.
Bad news ito sa mga nagpa-“5-6” na pinagsanglaan ng mga ATM Cards ng ilang empleyado.
Nagmula sa P73 Million Supplemental budget na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod December 4, 2018 ang mga Christmas bonuses.
Simula sa December 17, 2018 ay matatanggap na ng mga empleyado ang kanilang mga Christmas bonus.##(CIO/LKOasay)
PRESS RELEASE
December 5, 2018
Mayor Evangelista bukas sa mga kritisismo
KIDAPAWAN CITY – BUKAS si City Mayor Joseph Evangelista sa mga kritisismong pumupuna sa kanyang pamamalakad.
Reaksyon ito ng alkalde ng tanungin patungkol sa pagiging 5th Most Competitive City ng lungsod sa buong Mindanao batay na rin sa inilabas ng National Competitive Council ng Department of Trade and Industry sa mga Most Outstanding Cities 2018 ng bansa.
Ani pa ng alkalde, bahagi lamang ng pagbibigay serbisyo publiko ang kritisismo sa kanyang administrasyon.
Maliwanag na tumaas ang antas ng performance ng City Government sa larangan ng Government Efficiency and Resiliency, Business Friendliness at Infrastructure, wika pa ni Mayor Evangelista.
Nariyan ang Public Safety Program sa pamamagitan ng Call 911, Social Welfare Desk para sa mga nangangailangan ng ayudang medikal; PTA subsidies na ginawang libre ang pag-aaral sa mga public schools; matataas na Tax Collection Efficiency, Electrification project sa mga tahanan at pagbibigay ng serbisyong patubig sa mga malalayong barangay; Street lighting Project, Maternal Health Care and Wellness Program; pagpapatayo ng mga Barangay Health Stations; dagdag na mga city roads at public infrastructures, pagbibigay ng ayudang abono, seedlings at farm equipments sa mga magsasaka; livelihood assistance katuwang ang Department of Labor and Employment; Pabahay sa mga informal settlers, Business One Stop Shop para gawing mas mabilis ang pagpo-proseso at aplikasyon ng business permit and licenses.
Kumpiyansa na ring mamuhunan ang mga investors sa Kidapawan City dahil na rin sa epektibong pamamalakad ng alkalde.
December 8, 2018 ay pangungunahan ni Mayor Evangelista ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong P1.5 Billion na bagong JS Gaisano Mall sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral.
Ang nabanggit ay isa lamang sa mga multi-million investments na pumasok sa Kidapawan City mula pa 2013 na siya ring unang taong termino ni Mayor Evangelista.
Nauna lamang ang Davao; Cagayan de Oro; Tagum at Cotabato City sa Kidapawan City sa Most Outstanding Cities ng Mindanao sa taong 2018 batay na rin sa inilabas na report ng National Competitive Council.##(CIO/LKOasay)
PRESS RELEASE
December 4, 2018
City Gov’t nakatulong sa mataas na participation rate ng mga pampublikong paaralan – DepEd
KIDAPAWAN CITY – 98% SA ELEMENTARY AT 97% SA HIGH SCHOOL ang naitalang participation rate ng City Schools Division ng DepEd para sa school year 2018-2019.
Resulta ng tulong ng City Government sa mga pampublikong paaralan ang natalang mataas na participation rate ng DepEd, ayon pa kay City Schools Division Head Romelito Flores na kanyang sinabi sa State of the Division Address December 3, 2018 sa pagdiriwang ng DepEd day sa lungsod.
Ang naturang accomplishment ay bahagi ng partnership ng City Government at DepEd sa pagsegurong lahat ng mga bata ay nag-aaral sa paaralan.
Ani pa ni Flores, nakamit ang bilang na nabanggit sa tulong ng P300 na subsidy ng City Government para sa bawat batang nag-aaral sa elementary at public high school sa Kidapawan City.
Nalibre na ng Parents Teachers Association subsidy mula sa City Government ang pag-aaral ng mga bata sa public school, wika pa ng opisyal.
Maliban dito ay may libreng Supplemental Feeding din ang City Government at DepEd para sa mga bata na malnourished sa mga pampublikong paaralan.
Inilibre na rin ng City Government ang pag-aaral ng mga batang katutubo sa pitong mga IP Schools sa ilang barangay ng lungsod.
Upang magkaroon ng ibayong kakayahan ang mga guro, sinagot ng City Government ang bahagi ng kanilang Post Graduate Studies o Masteral Courses.
Sa ganitong pamamaraan ay napapanatili ng DepEd Schools Division ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga public schools.
Taong 2017 ng simulang ipagdiwang ng City Schools Division ang Kidapawan City DepEd Day tuwing December 1.
Nagpalabas ng isang Executive Order si Mayor Evangelista para sa nabanggit bilang pagbibigay pugay sa mahahalagang kontribusyon ng mga guro sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Ngayong taon ay isinali na sa pagdiriwang ang mga teachers mula naman sa mga pribadong paaralan sa Kidapawan City.
Highlight ng pagdiriwang ang State of the Division Address na ibinabahagi ng DepEd Schools Division Superintendent.
Kasali din ang pagbibigay parangal sa mga non-teaching personnel ng City DepEd na kinilala sa kanilang magandang performance sa trabaho. ##(CIO/LKOasay)
Photo caption – SPECIAL EDUCATION FUND UTILIZATION IPINAGBIGAY ALAM NG DEPED SA CITY GOVT: Ibinigay ni City DepEd Chief Romelito Flores kay City Mayor Joseph Evangelista ang talaan sa kung papaanong ginasta ng City Schools Division ang kanilang Special Education Fund o SEF sa pagdiriwang ng City Teachers Day December 3, 2018. Kasama din sa larawan sina City DepEd Officials Jasmin Isla at Meilrose Peralta.(CIO Photo)
PRESS RELEASE
December 3, 2018
Karagdagang P30k bonus, tatanggapin nang mga empleyado ng Kidapawan City LGU
TIYAK na magiging masaya at masagana ang Pasko at Bagong Taon ng mga kasalukuyang empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Kidapawan City.
Itoy makaraang ianunsyo ni City Mayor Joseph A. Evangelista, ang pagbibigay ng karagdagang Christmas Bonus, para sa mga regular, casual, Job Order workers at kasama maging mga government workers na naglilingkod sa mga barangay at national line agencies na nasa lungsod.
Lahat ng mga regular at casual employees ay makatatangap ng tig P30,000 na dagdag na bonus samantalang ang mga job order workers ay makakatanggap naman nang P5000 na cash at P2000 na gift check.
Magkakaiba naman ang halaga na tatanggapin nang iba pang government workers na naglilingkod sa mga barangay at national line agencies.
Ayon sa butihing Mayor, ibibigay ang nasabing mga insentibo simula sa December 17, 2018.
Malaking tulong para sa mga empleyado ang karagdagang biyaya mula sa City Government lalo na at papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon. Ang karagdagang insentibo ay pasasalamat narin ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa naging kontribusyon ng mga empleyado sa mga pagpupunyagi ng Pamahalaang Lokal sa kasalukuyang taon kabilang dito ang pagkakamit ng City Government of Kidapawan bilang Seal of Good Local Governance Awardee sa ikatlong pagkakataon, liban pa sa ibat ibang parangal na tinanggap nito mula sa ibat – ibang ahensya ng pamahalaang national at mga pribadong award giving bodies.
Subalit nag abiso din ang alkalde sa magtira nang kahit na kaunting halaga mula sa tatanggaping bonus upang may madukot sa oras nang pangangailangan.
Bukod dito, sinabi ni Mayor Evangelista, na may i-aanunsiyo siyang karagdagang sorpresa sa mga empleyado ng City Government of Kidapawan bago mag Disyembre 15, 2018.##(CIO/WAMagbanua)