Mayor Evangelista muling nanawagan laban sa banta ng mga pag-ulan 

You are here: Home


NEWS | 2019/06/17 | LKRO


thumb image

Mayor Evangelista muling nanawagan laban sa banta ng mga pag-ulan

KIDAPAWAN CITY – MULING NAGPAALALA SI City Mayor Joseph Evangelista sa lahat na mag-ingat gayung opisyal ng idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season.
Mga sakit dala ng tag-ulan at mga banta ng landslide at flashfloods ang laman ng panawagan ng alkalde. 
Bunga nito ay ipinag-utos na niya sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na doblehin ang monitoring nito sa mga flashflood at landslide prone areas ng lungsod.
Ginagawa na ng City LGU ang kakayahan nito upang hindi na maulit pa ang malawakang mga pagbaha sa Kidapawan City katulad ng nangyari noong September 2014 kung saan ay binaha ang maraming mga lugar at komunidad sa lungsod.
Hinimok ni Mayor Evangelista ang mga purok at barangay officials na aktibong makipagtulungan sa City Government hindi lamang sa monitoring ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Pwede magpatupad ng forced evacuation ang City Government kapag nalagay sa alanganin ang buhay ng mga residente panahon ng kalamidad.
Patungkol naman sa usaping pangkalusugan, pinananawagan ng alkalde sa mga magulang na pabaonin ng payong o ano mang pananggalang sa ulan ang kanilang mga anak.
Dapat din ang agarang pagtungo ng mga magulang sa mga barangay health centers kung sakaling may lagnat, ubo, sipon o ano mang karamdaman ang bata dala ng sama ng panahon ng maiwasan ang komplikasyon.
Tanging si Mayor Evangelista lamang ang pwedeng magdeklara ng suspension of classes sa panahon ng banta ng kalamidad base na rin sa mga probisyon ng RA10-121 o DRRM Law. ##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio