City Gov’t tutulong sa mga magrereklamo kontra KAPA at iba pang illegal na investment schemes
KIDAPAWAN CITY – TUTULONG ang City Government na maibalik ang capital ng mga nagpamiyembro sa KAPA Ministry Inc. at iba pang investment schemes na idineklarang illegal ng gobyerno.
Sinabi mismo ni City Mayor Joseph Evangelista ang nabanggit sa panayam sa isang himpilan ng radyo umaga ng June 18, 2019.
Magbibigay ng tulong legal ang kanyang administrasyon sa mga magrereklamo laban sa KAPA o Kabus Padatuon at iba pang investment schemes para maibalik ang kanilang inilagak na halaga, pagbubunyag pa ng alkalde.
Nagpulong na si Mayor Evangelista at ang kanyang legal team upang mapag-usapan kung anong legal na ayuda ang ibibigay sa mga magrereklamo.
Nakikipag ugnayan na rin siya sa Anti Money Laundering Council o AMLC hinggil sa pagsasampa ng asunto sa KAPA at mga katulad ngunit illegal na investment schemes
Naghihintay si Mayor Evangelista sa mga reklamo laban sa KAPA at iba pa hanggang sa kasalukuyan.
Maala-alang pinatigil mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng KAPA kamakailan lang dahil na rin sa illegal na gawain nito.
Maliwanag umano, ani pa ng Pangulo, na panloloko ang ginagawang sistema nito sa pagbibigay ng 30% na tubo sa “donasyon’ na ilalagak ng mga nagpamiyembro.
Ibinunyag din ni Mayor Evangelista na hindi nag-isyu ng Business Permit ang City Government sa KAPA at iba pang investment schemes na naglagay ng sangay sa Kidapawan City.##(cio/lkoasay)
Mayor Evangelista muling nanawagan laban sa banta ng mga pag-ulan
KIDAPAWAN CITY – MULING NAGPAALALA SI City Mayor Joseph Evangelista sa lahat na mag-ingat gayung opisyal ng idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season.
Mga sakit dala ng tag-ulan at mga banta ng landslide at flashfloods ang laman ng panawagan ng alkalde.
Bunga nito ay ipinag-utos na niya sa City Disaster Risk Reduction and Management Office na doblehin ang monitoring nito sa mga flashflood at landslide prone areas ng lungsod.
Ginagawa na ng City LGU ang kakayahan nito upang hindi na maulit pa ang malawakang mga pagbaha sa Kidapawan City katulad ng nangyari noong September 2014 kung saan ay binaha ang maraming mga lugar at komunidad sa lungsod.
Hinimok ni Mayor Evangelista ang mga purok at barangay officials na aktibong makipagtulungan sa City Government hindi lamang sa monitoring ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Pwede magpatupad ng forced evacuation ang City Government kapag nalagay sa alanganin ang buhay ng mga residente panahon ng kalamidad.
Patungkol naman sa usaping pangkalusugan, pinananawagan ng alkalde sa mga magulang na pabaonin ng payong o ano mang pananggalang sa ulan ang kanilang mga anak.
Dapat din ang agarang pagtungo ng mga magulang sa mga barangay health centers kung sakaling may lagnat, ubo, sipon o ano mang karamdaman ang bata dala ng sama ng panahon ng maiwasan ang komplikasyon.
Tanging si Mayor Evangelista lamang ang pwedeng magdeklara ng suspension of classes sa panahon ng banta ng kalamidad base na rin sa mga probisyon ng RA10-121 o DRRM Law. ##(cio/lkoasay)
Pakighiusa ug pakiglambigit, unod sa mensahe ni JAE sa gipahigayon nga sumad sa 121st Independence Day sa Kidapawan
“Building relationship, forging alliances and partnership.”
Mao kini ang nahimong sentro sa mensahe ni Mayor Joseph A. Evangelista sa paghinumdom sa ika-121 na sumad sa Independence Day, sa milabay nga Hunyo dose.
Sigon sa mayor, dili kaya sa Kidapawan nga mag inusara ug nanginahanglan kini ug tabang gikan sa mga stakeholders ug mga investors.
Matud ni Mayor Evangelista, sa nahibilin niini ng tulo ka tuig sa pagdumala sa dakbayan, iyang ikatulohon ang paningkamot aron ma implementa ang nagkalain lain pang mga pryekto ug programa, nga iyang giluwatan panahon sa kampanya.
Prayoridad sa mayor ang pag abli sa bypass ug circumferential roads. Ipahigayon na ang pagpasemento ng circumferential road gikan sa overland terminal pagawas sa Colegio de Kidapawan. Usa pa ka circumferential road ang gisugdan nap ag semento gikan sa Colegio de Kidapawan pagawas sa Barangay Sudapin, lahus na sa highway padulong sa lungsod sa Magpet.
Tumong niini sigon sa mayor nga makunhuran ang hidaghanon sa mga sakyanan nga nagalabang sa sentrong bahin sa dakbayan.
Sa pikas bahin, abli ang dakbayan alang sa mga gusto nga mu abli ug negosyo. Sa muabot nga duha ka tuig, paga ablihan na ang pinaka dako nga Gaisano mall sa Kidapawan.
Dungag usa ka libo nga trabaho kini alang sa mga Kidapaweno, nga dakung tabang alang sa ilang matag pamilya.
Gibutyag pa ni mayor Evangelista nga kasamtangan, adunay trenta’y-siete (37) ka mga investors ang nisulod ug nibubo ug kapital sa dakbayan. Nangahulugan kini sigon sa mayor nga dungag upat ka libo (4000) nga dungag nga trabaho alang sa mga taga Kidapawan.
CSWDO nipahigayon ug validation sa mga social pensioners sa Kidapawan
GIMANDO ni Mayor Joseph A. Evangelista sa liderato sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) nga pangitaon ang unom ka gatus (600) ka mga Senior Citizens nga pakyas makatunga sa gipahigayon nga validation alang sa tanang mga social pensioners sa Kidapawan.
Sa kinatibuk-an adunay 8, 578 nga social pensioners sa nagkalain laing barangay sa dakbayan, apan 7978 lamang ang aktwal nga na validate.
Posible nga ang nahibiling sais sientos (600) ni bakasyon sa ilang mga kabanay maong wala kini sa dihang nagpahigayon ug validation ang CSWDO.
Tumong sa validation nga limpyuhan ang listahan sa mga social pensioners ilabi na katong mga nitaliwan na ug mahatag ang ilahang slot ngadto sa bag-ong mga beneficiaries.
Pagsiguro sab kini nga walay mga senior citizens nga naga dawat ug pension gikan sa GSIS ug SSS, o kadtong mga adunay kaya sa kinabuhi ang mahi-apil sa programa sa gobyerno.
Bag-ong 343 nga social pensioners ang nadungag sa listahan sa CSWDO human sa gipatigayon nga validation sa milabay nga June 9.
Makadawat ug P500 nga binulan nga pension gikan sa kagamhanang nasyunal ang usa ka senior citizen, ilawom sa social pension program sa Department of Social Welfare and Development kon DSWD.
PRC Kidapawan tumatanggap na ng LET September 2019 applications
KIDAPAWAN CITY – TUMATANGGAP NA NG APPLICATION para sa September 2019 Licensure Examination for Teachers ang Satellite Office ng Professional Regulations Commission sa lungsod.
Ginawang mas maaga ang filing ng LET sa layuning maiwasan na magka aberya ang mga kukuha ng pagsusulit sa nabanggit na buwan.
Pinapayuhan ng PRC ang mga nagnanais kumuha ng September 2019 LET na ‘mag-online registration” bago tumungo at iproseso ang application ng LET sa kanilang opisina.
Ito ay upang makakuha ng ‘slots’ for application ang mga examinees ng LET.
Maliban sa online registration, kinakailangan din na magdala ng mga pertinenteng dokumento gaya ng transcript of records at iba pa ang mismong kukuha ng LET.
Hanggang July 31, 2019 na lamang ang application ng LET sa PRC Kidapawan.
Posibleng isasagawang muli ng City Government ang LET sa lungsod gaya ng mga naunang exams noong 2017 at 2018.
Bukas ang PRC Kidapawan 8am-5pm mula Lunes hanggang Biyernes. ##(CIO/LKOasay)
Hybrid Corn seeds assistance para sa mga magsasakang apektado ng El Nino ipamimigay na
KIDAPAWAN CITY – NAGBIGAY NA NG KANYANG GO SIGNAL SI CITY MAYOR Joseph Evangelista na ibigay na ang mga hybrid corn seeds na tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng El Nino phenomenon.
Pwede ng kunin ng mga Farmers Association Beneficiaries ng tatlumpo at pitong mga barangay na sinalanta ng El Nino ang mga hybrid corn seeds sa Operations Center ng City Call 911.
Bahagi ng Calamity Fund na naglalayung tulungang makabangong muli ang mga magsasakang naapektuhan ang hanapbuhay dulot ng tagtuyot ang ayudang nabanggit.
Una ng idineklara under the State of Calamity ang lungsod dahil sa epekto ng EL Nino.
Magdedepende ang dami ng corn bags na matatanggap ng mga FA’s sa lawak ng mga taniman ng mais na sinalanta ng El Nino, ito ay ayon pa kay City Agriculturist Marissa Aton.
120 ektaryang maisan ng Barangay Onica ang pinakamatinding sinira ng halos apat na buwan na walang mga pag-ulan sa lugar.
Ito ay katumbas sa 134 sako ng binhi ng mais ang matatanggap ng mga magsasaka ng Onica, wika pa ni Aton.
596 na ektaryang maisan sa buong Kidapawan City ang sinira ng EL Nino, ayon pa sa datos ng City Agriculture Office.
707 corn bags naman ang ibibigay na ayuda ng City Government para sa mga apektadong magsasaka.
Ang mga Farmers Association na ang mamamahagi ng corn seeds sa mga magsasaka sa 37 barangay.
Hinihintay na lamang ng City Agriculture Office ang mga palay seeds na ipapamahaging tulong naman sa mga rice farmers. ##(cio/lkoasay)
(photo credits to Mr. Psalmer S.Bernalte of CDRRMO)