City Gov’t pinuri sa maagap na aksyon sa kasagsagan ng lindol noong July 9.

You are here: Home


NEWS | 2019/07/15 | LKRO


thumb image

City Gov’t pinuri sa maagap na aksyon sa kasagsagan ng lindol noong July 9.

KIDAPAWAN CITY – PINURI NG Publiko ang maagap na pagtugon ng City Government sa nangyaring lindol at aftershocks kamakailan lang.

Partikular dito ang pagsuspinde ng klase ng mga bata sa pribado at pampublikong eskwelahan matapos ang mga serye ng aftershocks dala ng 5.6 Magnitude na lindol noong July 9.

Una ng sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbibigay prayoridad sa seguridad ng lahat ng mag-aaral sa pribado at pampublikong eskwelahan kung kaya at minabuti ng City Government na suspendihin muna ang mga klase.

Bagay na pinsalamatan ng mga magulang lalo pa at naiwasang malagay sa peligro ang kanilang mga anak sa mga eskwelahan sa kasagsagan ng lindol.

Ipinag-utos ng alkalde sa CDRRMO at City Engineering Office katuwang ang DepEd at mga private schools administrator na suriin ang mga silid aralan kung may kasiraan ba na tinamo dahil sa lindol.

Nakitaan naman ng mga otoridad ng bitak ang iilang mga school buildings kung kaya’t pinagbabawal muna na gamitin ito ng mga estudyante habang hindi pa naisasaayos.

Bunga nito, iminumungkahi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na magkaroon ng Earthquake Mitigation Plan hindi lamang sa mga eskwelahan kungdi pati na rin sa mga ospital at iba pang establisimento para matiyak ang kaligtasan ng mga umuokupa nito.##(cio/lkoasay)

Photo caption- City Govt nagsagawa ng inspection sa mga gusali matapos ang 5.6 magnitude na lindol: Ipinaliwanag ni CDRRMO Psalmer Bernalte(nakatalikod) ang kanilang findings sa mga gusali ng KCNHS kay City Vice Mayor Jivy Roe Bombeo na nanguna sa structural safety assessment July 11, 2019.(cio photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio