Day: July 3, 2019

You are here: Home


thumb image

Bomb Drill matagumpay na isinagawa

KIDAPAWAN CITY – MATAGUMPAY NA isinagawa ang City Wide Simulation Bomb Drill na inorganisa ng mga lokal na otoridad sa lungsod July 2, 2019 ng hapon.

Layun ng aktibidad na suriin ang kahandaan ng City Government laban sa mga banta ng terorismo.

Pinangunahan ng CDRRMO, PNP at ng AFP ang simulation exercises na sorpresang isinagawa sa City Hiwalk at Datu Ingkal Street.

Sinadya na sorpresa at hindi ipinaalam sa publiko ang pagpapasabog ng improvised explosive device para masukat kung gaano kahanda ang publiko sakaling totoong mangyari man ito.

Ginawa ang pagpapasabog pasado ala una ng hapon kung saan ay agad nagmobilisa ang PNP, AFP , City Call 911, K9 Unit at ang Traffic Management Unit.

Kinordon ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Sumunod naman ang pagkuha sa mga kunyaring sugatan na mga biktima ng ambulansya ng Call 911 sabay dala sa mga pagamutan.

Iginiit ng CDRRMO na bagamat simulated o kunyari lang ang bomb drill, ganito o mas komplikado pa ang mangyayari kapag nagkaroon ng totoong pag atake.

Bunga nito ay ipinanawagan ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat na maging mapagmatyag sa kasalukuyan upang maiwasan ang kahalintulad na IED attack sa Indanan Sulu kamakailan lang.

Ang bomb drill ay isa lamang sa mga pamamaraan ng mga otoridad na gawing ‘hard target’ ang Kidapawan City laban sa ano mang pag-atake ng mga masasamang loob.

Ang bomb drill ay nagsilbing kick off ng pagdiriwang ng 2019 Disaster Awareness Month sa lungsod.

Tema ng pagdiriwang ay KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan.##(cio/lkoasay)

(photo courtesy of CDRRMO)

thumb image

City Gov’t muling nagbigay ng commitment sa pagtulong sa mga senior citizen

KIDAPAWAN CITY – HANDANG TUMUGON ANG CITY Government sa mga pangagailangan ng mga Senior Citizens.

Ito ay katiyakang ibinigay ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga opisyal ng Pederasyon ng Kapisanan ng mga Senior Citizens ng Kidapawan City sa induction ng mga bagong opisyal June 28, 2019.

Hahanapan niya ng paraan, ani pa ni Mayor Evangelista, na ibigay ang cash incentives para sa edad otsenta anyos pataas na mga senior citizens.

P20,000 para sa mga edad 80-89, P30,000 sa 90-99 at P50,000 para sa mga edad 100 taon pataas ang nais ibigay na cash incentive ng City Government sa mga senior citizens.

P27 Million ang kinakailangang pondo para rito kung kaya at isasangguni ni Mayor Evangelista sa mga kasapi ng konseho na pag-aralang mabuti kung papano ipatutupad ang nabanggit.

Ipatutupad din ng City Government ang house to house na delivery ng maintenance medicine ng mga senior citizens.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang With Love Jan Incorporated, DOH at OSCA sa programa.

Sa ganitong pamamaraan ay hindi na mahihirapan pa ang mga nakakatanda na pumunta sa sentro ng lungsod para lang bumili ng kinakailangang gamot.

May ibibigay din na libreng baston, walker at wheel chair sa mga senior citizens na nangangailanagn nito.

Kinakailangan lamang nilang makipag ugnayan sa mga lider ng senior citizens sa barangay.

Dinagdagan din ng alkalde ang pondo para sa meryenda ng mga nakakatanda tuwing may gaganapin silang pagtitipon sa kanilang mga barangay.

Libre na rin ang serbisyo ng pagnonotaryo lalo na sa mga titulo ng lupa at mahahalagang dokumento sa pamamagitan ni City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista na anak ng alkalde.

Bilang panghuli ay nagpasalamat naman si Mayor Evangelista sa patuloy na suporta at tiwala ng mga senior citizens sa kanyang liderato.##(cio/lkoasay)

Photo caption – MGA BAGONG OPISYAL NG SENIOR CITIZENS SA KIDAPAWAN CITY NANUMPA NA: Ibinigay ni City Mayor Joseph Evangelista ng Oaths of Offices ng mga bagong lider ng kapisanan ng mga Senior Citizens sa Kidapawan City June 28, 2019. Sila ay nakatakdang manglilingkod ng tatlong taon.(cio photo)

thumb image

Byaheng Kidapawan-Gensan ng Yellow Bus Line tuloy na tuloy na
KIDAPAWAN CITY – TULOY NA TULOY NA ang byaheng Kidapawan City- General Santos City ng Yellow Bus Line Incorporated.
Alas kwatro y medya ng umaga ng July 5, 2019 babyahe ang unang bus ng YBL mula Kidapawan City via Calunasan M’lang patungong Tulunan – Datu Paglas at Buluan sa Maguindanao, Tacurong – Tantangan – Koronadal –Tupi –Polomolok sa South Cotabato at General Santos City and vice versa.
Ang direktang byahe ay hudyat ng pagbubukas ni City Mayor Joseph Evangelista sa lungsod para sa mga turista at mamumuhunan mula sa area ng Maguindanao, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Kinumpirma mismo ni YBL Manager Olimpio M. Par ang naturang development matapos nilang mag-usap ng pamunuan ng City Overland Terminal at makumpleto ang mga kaukulang dokumento sa Department of Transportation para legal na makapag byahe.
Pumayag na ang DOTr sa bagong byahe kung saan ay magkakaroon ng official launching sa July 4, 2019 sa General Santos City.
Katunayan, ang byaheng Kidapawan-Gensan ay isa sa mga programa ng DOTr sa ilalim ng Duterte Administration na naglalayung mapaunlad pa ang maraming lugar sa Mindanao sa pamamagitan ng mga dagdag na rutang magkokonekta sa mga lalawigan nito.
Tinatayang 3-4 na oras ang byahe mula Kidapawan-Gensan and vice versa.
P230 ang regular na pamasahe at P200 para naman sa SP sa mga deluxe buses na babyaheng Gensan
P271 ang regular fare at P231 sa SP para naman sa mga aircon buses.
Sampung units muna ang inisyal na babyahe sa nabanggit na ruta.
4:30 AM ang first trip at 3PM naman ang last trip ng Kidapawan-Gensan route and vice versa.
Kaugnay nito ay may job opportunities din para sa mga taga Kidapawan City ang YBL para na rin sa kanilang dagdag na bagong 15 buses na babyahe sa kalaunan sa mga rutang nabanggit.
Naghahanap sila ng tig labinlimang mga bus drivers at konduktor para sa Kidapawan-Gensan route.
Maaring makipag ugnayan lamang sa kanilang opisina sa Koronadal City para makapag –aaply.
28 years old ang minimum age requirement ng bus driver, may professional driver’s license at six years experience sa pagmamaneho ng malalaking truck.
Sa mga konduktor naman, at least high graduate o college level ang kinakailangan.
Pwedeng mag-aaply ang mga babae bilang bus conductor, sabi pa ng pamunuan ng YBL.##(cio/lkoasay)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio