Mayor JAE paparangalan ng PRC
BIBIGYAN nang parangal ng Professional Regulation Commission (PRC) si Mayor Joseph A. Evangelista sa gagawing Mid-Year Performance Assessment ng ahensiya na gagawin sa Diamond Hotel sa darating na Martes, July 23.
Mismong si PRC Commissioner Jose Cueto Jr. ang nagpaabot ng imbetasyon sa pamamagitan ng isang kalatas na nakarating sa tanggapan ni Mayor Evangelista.
Nakasaad sa imbitasyon na naanyayahan ang alkalde ng Kidapawan, upang bigyan ng pagpupugay at parangal sa dahil sa buong pusong suporta nito Kidapawan City.
Sinabi ni Commissioner Cueto sa kanyang sulat na Malaki ang naitulong ni Mayor Evangelista sa pagpapabot ng serbisyo ng PRC lalo na sa malalayong kanayunan at maging sa mga kalapit na bayan at lalawigan ng Cotabato.
Sa ilalim ng pamunuan ni Evangelista, naipatayo ang PRC sub-office sa overland terminal at nabigyan ng pagkakataon ang mga Kidapawenos na maging mabilis ang kanilang transaksiyon sa ahensiya nang hindi na pumupunta pa sa lungsod ng Davao at Heneral Santos.
Naisakatuparan rin ang pagsasagawa ng Licensure Examination for Teachers (LET) at Licensure Examination for Criminologist sa Kidapawan kung saan maraming mga professionals and naka benepisyo at serbisyo ng PRC. (CIO)
Delinquent real properties isasailalim sa public auction ng City Government sa Oktubre 2019
KIDAPAWAN CITY – ANIMNAPU AT PITONG mga delinquent real properties ang nakatakdang isusubasta ng City Government sa Oktubre 2019.
Ang mga nabanggit ay yaong mga hindi na nabayaran ng mga nagmamay-ari ang buwis sa Lokal na Pamahalaan.
Basehan ng City Government sa isasagawang public auction ang mga probisyong isinasaad ng RA7160 o ang Local Government Code.
Idinidikta ng batas sa mga Lokal na Pamahalaan na isubasta ang mga delinkwenteng lupa, makinarya o gusali bahagi ng tax collection mandate nito.
Una ng nagbigay alam ang City Treasurer’s Office sa lahat ng nagmamay-ari ng lupa, gusali at makinarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax due notices sa lahat ng barangay sa lungsod.
Sa datos na ipinalabas ng kanilang opisina, mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ang mga taong hindi nabayaran ng mga delinquent real property owners ang kanilang mga buwis sa lupa.
Kinapapalooban ng mga residential, agricultural at commercial lots ang mga delinquent real properties sa labing siyam ng mga barangay ng Kidapawan City ang isina pubiko ng City Treasurer’s Office.
Sa kabila nito, hinihikayat naman ni Mayor Joseph Evangelista ang mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na may sapat pa silang panahon na bayaran ang kanilang mga bayarin para hindi na maisali sa public auction ang kanilang pag-aaring lupa.
Bukas ang CTO upang tumanggap ng bayarin ng mga delinquent real property owners.
Yun nga lang ay may kalakip na penalties and surcharges ang bayarin dahil na rin sa mahabang panahon na hindi nila ito nabayaran.
Nakalagay sa isang dambuhalang tarpaulin sa lobby ng City Hall ang listahan ng mga delinquent real properties na subject for public auction.
Hinihikayat naman ang iba pang nagmamay-ari ng lupa, gusali o makinarya delinquent man o hindi, na laging i-update ang kanilang bayarin sa real property taxes sa City Government. ##(cio/lkoasay)
Publiko kinakailangang makipagtulungan sa kampanya kontra dengue- City Gov’t
KIDAPAWAN CITY – KINAKAILANGANG MAKIPAGTULUNGAN ang lahat sa kampanya kontra dengue, ayon pa sa City Government.
Ito ay alinsunod na rin sa pagdedeklara ng National Dengue Alert ng DOH July 15, 2019.
452 na kaso ng dengue ang naitala ng City Health Office sa lungsod mula Enero hangang Hunyo 2019, mula na rin sa datos ng kanilang opisina.
May isang naitalang dengue related death sa Barangay Birada nitong 2019.
Ang nabanggit na bilang ay nagmula na rin sa mga records ng mga ospital sa Kidapawan City na tumanggap ng pasyenteng may dengue, ayon pa sa CHO.
Ito ay lubhang mataas kumpara sa 72 kaso sa kapareho din na mga buwan noong 2018.
Posibleng ang pagtaas ng kaso ng dengue ay bahagi ng tatlo o apat na taong ‘cycle’ kung saan naaabot ang ‘peak’ o dami ng nagkakasakit nito.
Ugaliin dapat ng lahat ang pagsunod sa 4S campaign ng pamahalaan ng mapigilan ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue.
Una ay Search and Destroy ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng sakit.
Self Protection laban sa kagat ng mga lamok sa pamamagitan ng pagsuot ng pananamit na may mahabang manggas, paglalagay ng insect repellants sa katawan, at paggamit ng kulambo.
Seek early consultation kung sakaling may simtomas ng dengue gaya ng lagnat ng maiwasan ang komplikasyon.
At Saying Yes sa pagsasagawa ng fogging operation sakaling may dengue outbreak sa mga komunidad.##(cio/lkoasay)
(photo is from newsnetwork.mayoclinic.org)
City Gov’t pinuri sa maagap na aksyon sa kasagsagan ng lindol noong July 9.
KIDAPAWAN CITY – PINURI NG Publiko ang maagap na pagtugon ng City Government sa nangyaring lindol at aftershocks kamakailan lang.
Partikular dito ang pagsuspinde ng klase ng mga bata sa pribado at pampublikong eskwelahan matapos ang mga serye ng aftershocks dala ng 5.6 Magnitude na lindol noong July 9.
Una ng sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbibigay prayoridad sa seguridad ng lahat ng mag-aaral sa pribado at pampublikong eskwelahan kung kaya at minabuti ng City Government na suspendihin muna ang mga klase.
Bagay na pinsalamatan ng mga magulang lalo pa at naiwasang malagay sa peligro ang kanilang mga anak sa mga eskwelahan sa kasagsagan ng lindol.
Ipinag-utos ng alkalde sa CDRRMO at City Engineering Office katuwang ang DepEd at mga private schools administrator na suriin ang mga silid aralan kung may kasiraan ba na tinamo dahil sa lindol.
Nakitaan naman ng mga otoridad ng bitak ang iilang mga school buildings kung kaya’t pinagbabawal muna na gamitin ito ng mga estudyante habang hindi pa naisasaayos.
Bunga nito, iminumungkahi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na magkaroon ng Earthquake Mitigation Plan hindi lamang sa mga eskwelahan kungdi pati na rin sa mga ospital at iba pang establisimento para matiyak ang kaligtasan ng mga umuokupa nito.##(cio/lkoasay)
Photo caption- City Govt nagsagawa ng inspection sa mga gusali matapos ang 5.6 magnitude na lindol: Ipinaliwanag ni CDRRMO Psalmer Bernalte(nakatalikod) ang kanilang findings sa mga gusali ng KCNHS kay City Vice Mayor Jivy Roe Bombeo na nanguna sa structural safety assessment July 11, 2019.(cio photo)
Acting City Mayor Bombeo gi inspeksiyon ang mga dagkong building sa dakbayan
PERSONAL nga gi inspeksiyon ni acting City Mayor Jivy Roe Bombeo ang mga tag-as ug dagkung mga building sa dakbayan sa Kidapawan human ang nasinating linog sa milabay nga semana.
Unang gi adtuan sa acting mayor ang Kidapawan City Pilot Elementary School (KCPES) ug ang Kidapawan City National High School (KCNHS) asa nakita niini ang mga gagmay ngadto na sa dagkung mga liki sa classrooms.
Diha-diha dayong gimanduan ni Bombeo ang mga school administrators nga makig lambigit sa buhatan sa city engineering alang sa ipahigayong repair sa mga apektadong tunghaan.
Sunod nga gi adtuan sa mayor ang mga department store uban ang mga personahe sa Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineering ug Building Permit and Licensing Office.
Nakit an sa acting mayor nga aduna usab mga liki ang mga dagkong department store maong gi mando niini ang hinanaling pag ayo niini.
Gitagaan sab ni acting mayor Bombeo ug igong panahon ang mga tag-iya sa maong mga building aron mupahigayon ug repair.
Gusto man gud sa mayor nga luwas ang bisan kinsa nga musulod sa maong mga department store sa bisan unsang matang sa kalamidad.
Gi awhag ni mayor Bombeo ang mga katawhan nga kanunay mangandam sa tanang mga kalamidad ilabi na kadtong mga haduol sa mga landslide ug flood prone areas. (CIO)
Mayor JAE naimbetahan para dumalo sa pulong sa Dallas Texas
SA pambihirang pagkakataon, ay naimbitahan para sa isang pagpupulong sa labas ng bansa si Mayor Joseph A. Evangelista.
Makakasama ni Mayor Evangelista ang mga matataas na opisyal ng ibat-ibang bansa para sa isang linggong pulong na gaganapin sa Gaylord Texan Hotel sa Dallas, Texas mula July 14-18, 2019.
Ang pagsasanay na ito ay inorganisa at suportado ng Community Anti-Drug Coalitions of America o CADCA.
Suportado ng CADCA ang pagbuo at pagpapatibay ng bawat komunidad para sa pagbuo ng isang ligtas, maayos, at drug-free na pamayanan.
Napiling partisipante ang alkalde dahil sa puspusan at suporta nito sa kampanya kontra iligal na droga sa Kidapawan City.
Ibibida ni Mayor Evangelista sa harap ng iba pang lider ng ibat-ibang bansa ang matagumpay na implementasyon ng Balik Pangarap Program ng LGU-Kidapawan.
Asahan namang makakakuha nang dagdag na kaalaman ang alkalde lalo na ang technical assistance, pagbuo ng public policy at media strategies para mas lalo pang makilala ang lokal na programa kontra iligal na droga sa lungsod. (CIO)
Pacquiao vs Thurman fight libreng mapapanood ng live sa City Gymnasium
KIDAPAWAN CITY – LIBRE WITH NO COMMERCIAL BREAKS na mapapanood ang bakbakang Manny Pacquiao- Keith Thurman alas nuwebe ng umaga ng July 21, 2019 sa public viewing sa City Gymnasium.
Ito ay hatid ni City Mayor Joseph Evangelista at ng Belron Business Center kung saan ay mapapanood ng live mula sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas Nevada USA ang laban.
Susubukang agawin ni Senator Pacquiao- na ‘regular champion’ sa 147 pound Welterweight Division ng World Boxing Association ang ‘super champion’ belt na hawak ng Amerikanong si Thurman.
Magsisimula ang public viewing alas nuwebe ng umaga sa pagbubukas ng mga preliminary bouts bago ang Pacquiao-Thurman Main Event na inaasahang magsisimula ganap na alas dose ng tanghali.
Hinihikayat naman ang lahat na sumunod sa security checks na gagawin ng mga otoridad bago ang panonood ng libre sa City Gymnasium. ##(cio/lkoasay)
(photo is from foxsports.com)
PTA subsidies sa mga public schools ibinigay na ng City Government
KIDAPAWAN CITY – MAHIGIT SA FIFTEEN MILLION PESO NA PTA subsidy ang sinimulang ipamahagi ng City Government sa mga pampublikong eskwelahan July 5, 2019.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang P400 PTA subsidy para sa bawat batang naka enroll mula kindergarten hanggang senior high school sa mga public school.
Nilibre na ng Parents Teachers Association Subsidy ang bayarin ng mga estudyante, ayon pa kay Mayor Evangelista.
Direktang makakabenepisyo ng subsidy ang 38,380 na mga batang naka enroll sa public schools, wika pa ng pamunuan ng City Schools Division ng DepEd.
Sa P400 na subsidy, P100 ang ilalaan sa bawat homeroom projects ng mga estudyante samantalang ang natitirang P300 ay para naman sa mga proyekto ng PTA at iba pang development programs sa public school.
Nakadepende ang halaga ng PTA Subsidy sa dami ng naka enroll sa bawat eskwelahan.
Hindi lamang nakatulong na malibre ang bayarin ng mga bata sa mga eskwelahan ngunit, nakapag-ambag din ito upang tumaas ang enrolment sa mga public schools, ayon na rin kay mayor Evangelista.
Nagmula ang PTA subsidies sa Special Education Fund ng City Government.
Sa susunod na taon, ililibre na rin ng City Government ang mga day care pupils mula sa pinaplanong P1.2 Million na pondong ilalagak para rito.
Naglaan ng mahigit sa P600,000 ang City Government ngayong school year para mabawasan ang bayarin ng mga magulang na may mga anak na naka enroll sa day care centers ng Kidapawan City.##(cio/lkoasay)
photo caption – P400 PTA subsidy ibinigay na ng City Government: Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang PTA Subsidy ng mga public schools sa Kalaisan Elementary School umaga ng July 8, 2019.Naglaan ng mahigit P15 Million ang City Government para mailibre na ang bayarin ng mga estudyante sa public schools.(cio photo)