Crime Prevention week ginugunita sa lungsod at buong bansa

You are here: Home


NEWS | 2019/09/03 | LKRO




Crime Prevention week ginugunita sa lungsod at buong bansa

KIDAPAWAN CITY – HINIMOK NI City Mayor Joseph Evangelista ang lahat na suportahan ang kampanya ng Pamahalaan kontra kriminalidad sa paggunita ng 25th Crime Prevention Week mula September 1- 8, 2019.
Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa pagpapanatiling matiwasay at mapayapa ang mga komunidad at protektahan ang sarili na mabiktima ng ano mang uri ng kriminalidad, mensahe pa ng alkalde.
Pinalalakas ng City PNP sa kasalukuyan ang kampanya kontra kriminalidad sa pamamagitan ng kanilang Police-Community Relations program.
Nagbibigay ng panahon ang City PNP na bisitahin ang mga purok, komunidad at barangay upang i-assess ang Peace and Order situation ng mga ito.
Nakikipag-usap din ang mga kagawad ng pulisya sa mga purok leaders at barangay officials para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga lugar na nasasakupan.
Payo ng mga otoridad sa lahat na agad ireport ang presensya ng mga masasamang loob sa kanilang lugar sa mga kinauukulan.
Tema ng 25th Crime Prevention week ay “ Buhay Pahalagahan, Komunidad Magtulungan, Krimen Hadlangan,” (cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio