Month: September 2019

You are here: Home


thumb image

African Swine Fever Awareness Forum gagawin ng City Government

KIDAPAWAN CITY – PINANAWAGAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa lungsod na dumalo sa isasagawang African Swine Fever Awareness Forum sa Setyembre 24, 2019. Layun ng aktibidad na ipagbigay alam sa mga nag-aalaga ng baboy kung ano ang katangian ng AFS at kung papanong maiiwasan ito ng kanilang mga alaga. ‘Pro-active approach’ ng City Government ang aktibidad na nabanggit lalo pa at kinumpirma na mismo ng Department of Agriculture na nakapasok na ang AFS sa bansa. Una ng nagpositibo sa AFS ang labing-apat mula sa dalawampung blood samples ng mga nagkasakit at namatay na baboy sa mga lalawigan ng Bulacan at Rizal, bagay na iniiwasang mangyari ng City Government sa local hog industry ng Kidapawan City. Mangunguna sa AFS Awareness Forum ang Office of the City Veterinarian na gaganapin ala una ng hapon sa Cooperative Development Training Center sa Barangay Magsaysay. Kaugnay nito ay nagsimula na ring kumuha ng blood samples ang OCVET sa ilang babuyan sa Barangay Balindog September 11, 2019. Ipapadala ng OCVET sa Regional Office 12 ng DA sa General Santos City ang mga blood samples para malaman kung may AFS ang mga baboy na nakunan ng dugo. Agad nilang ipapaalam sa mga nag-aalaga ng baboy kung nagpositibo nga ang kanilang alaga sa AFS para maiwasan ang pagkalat at pagkakahawa ng iba pang mga alagang baboy. Nilinaw naman ng otoridad na ligtas kainin ang mga karne ng baboy na ibinibenta sa Mega Market ng lungsod.##(cio/lkoasay)

thumb image

OCVET magsasagawa ng blood sampling kontra African Swine Fever

KIDAPAWAN CITY – MAGSASAGAWA NG BLOOD SAMPLING ang City Veterinary Office sa mga babuyan ng iba’t-ibang barangay ng lungsod simula sa September 13, 2019.
Hakbang ito upang masegurong hindi mahahawa ng African Swine Fever ang mga baboy sa Kidapawan City, ayon pa kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez.
Gagawin ang blood sampling matapos ikumpirma mismo ng Department of Agriculture na African Swine Fever ang dahilan ng pagkakamatay ng ilang mga baboy sa probinsya ng Rizal at Bulacan.
Labing-apat mula sa dalawampung blood samples ng mga nagkasakit at namatay na baboy ay nagpositibo sa AFS ayon pa sa report na inilathala sa Philippine Daily Inquirer September 9, 2019.
Pinaplano na rin ng DA na isasailalim sa ‘depopulation” ang mga baboy sa nabanggit na mga lugar at kalapit bayan ng mga ito upang mahiwalay ang mga hindi nagkakasakit na mga baboy sa mga may karamdaman na, dagdag pa sa report.
Hindi dapat mabahala ang publiko dahil ligtas kainin ang mga karne ng baboy na ibinebenta sa Mega Market ng lungsod, ayon pa sa OCVET.
Pinapayuhan din ang mga nag-aalaga ng baboy na agad sumangguni sa OCVET o di kaya ay sa kanilang mga Barangay Animal Health Workers kung sakaling magkasakit ang kanilang mga alaga.
Tatalima at ipatutupad ng City Government ang ano mang ipag-uutos ng National Government para mapigilan ang pagkalat ng AFS sa mga piggery sa lungsod.##(cio/lkoasay)

thumb image

119TH CSC Anniversary…..City Gov’t officials and employees hinikayat na ibigay ang wastong serbisyo sa taumbayan

KIDAPAWAN CITY – HINIHIKAYAT ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng opisyal at kawani ng City Hall na ibigay ang wasto at tamang serbisyo sa taumbayan ayon na rin sa idinidikta ng batas.
Ito ang simplemeng mensahe ng alkalde sa mga bumubuo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Kidapawan sa pagdiriwang ng 119th Year anniversary ng Civil Service Commission ngayong buwan ng Setyembre.
Sa temang Civil Service at 119: Upholding Integrity and Building a High-Trust Society, umaasa ang publiko sa mga kawani ng gobyerno na makapagbigay ng tamang serbisyo at maayos na pakikitungo sa mamamayan sa lahat ng panahon, wika pa ng alkalde.
Batayan din ang mga probisyong isinasaad ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan ay idinidikta nito sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaan na umiwas sa ano mang uri ng irregularidad at korupsyon at pagkakaroon ng payak at simpleng pamumuhay na naa-ayon sa batas ng estado.
Pinaka-highlight ng 119th Civil Service Month ay ang paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 Outstanding Government Officials and Employees ng bansa sa isang seremonya na gaganapin sa Malacañang sa September 19, 2019.
Pagkilala sa mahahalagang kontribusyon ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang pamayanan ang gawad parangal ng CSC.
Taong 2017 ng gawaran ng Pangulo si Ginoong Julito Saladan, Agricultural Technologist ng Kidapawan City Agriculture Office bilang isa sa Pag-asa Awardee ng Outstanding Government Employees ng bansa.
Napili bilang natatanging kawani ng gobyerno si Saladan matapos niyang maimbento ang African Night Crawler ANC Dormitel – isang kagamitan na nagpo-proseso sa mga nabubulok na basura na ginagawang organic fertilizer o compost.

Malaking tulong ang nabanggit na imbensyon ni Saladan sa kampanya ng City Government na malimitahan ang koleksyon ng basura at mapakinabangan ang mga ito sa mga tahanan at komunidad.(cio/lkoasay)

Photo caption President Rodrigo Duterte poses for a photo with Pag-Asa Awardee City Government of Kidapawan Agricultural Technologist Julito Saladan during the Gawad Career Executive Service (CES) and the 2017 Outstanding Government Workers Conferment Ceremony at the Malacañan Palace on September 20, 2017. Also in the photo is Civil Service Commission (CSC) Chairperson Alicia Bala.(Photo and caption from the Presidential Communications and Operations Office – file photo 2017))

thumb image

Buong 2019 social pension ibinigay na ng DSWD at City Gov’t sa mga indigent senior citizens

KIDAPAWAN CITY – SINIMULAN NG IBIGAY NG DSWD at ng City Government ang buong taong Social Pension ng may mahigit sa walong libong indigent senior citizens ng lungsod.
P6,000 o katumbas sa P500 na buwanang social pension mula Enero hanggang Disyembre ng 2019 ang natanggap ng bawat senior citizen, ayon pa sa pamunuan ng City Social Welfare and Development Office.
Sinimulang ibigay ang social pension noong September 3 at magpapatuloy hanggang September 6, 2019.
Tumanggap nito ang mga nakatatanda na walang regular pension benefits kagaya ng GSIS at SSS.
Pinapayuhan naman ni City Mayor Joseph Evangelista sa pamamagitan ni City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista na panauhing pandangal sa programa bago ang distribution ng ayudang nabanggit, ang mga senior citizen na gamitin ng wasto ang kanilang natanggap na social pension.
Maliban dito ay makakaasa ang mga senior citizen ng dagdag na tulong mula sa City Government at patuloy na suporta sa mga adhikain at programa ng mga nakakatanda, wika pa ng opisyal.
Makakatulong ang social pension sa pambili ng pagkain, maintenance medicine at iba pang pangangailangan ang bawat indigent senior citizen.
Cash at payroll based ang pamimigay ng social pension na ginanap sa City Gymnasium ng lungsod. ##(cio/lkoasay)

Photo caption – AYUDANG PINANSYAL NG MGA INDIGENT SENIOR CITIZENS IBINIGAY NA: Pinangunahan nina City Legal Officer Atty. Jose Paolo Evangelista, CSWDO Lorna Morales, Asst CSWDO Daisy Gaviola at mga kawani ng Regional Office 12 ng DSWD ang pamimigay ng social pension para sa mahigit 8,000 indigent senior Citizens ng lungsod.(cio photo)

thumb image

October 2020 Barangay SK Elections malamang na di muna matutuloy – Mayor Evangelista

 

KIDAPAWAN CITY – MALAKI ANG POSIBILIDAD NA hindi muna matutuloy ang October 2020 Barangay/Sangguniang Kabataan Elections. Ito ay ayon na rin kay City Mayor Joseph Evangelista na sinabi mismo sa kanya ni Senator Christopher Lawrence’ Bong’ Go kamakailan lang. Ani pa ng alkalde, sinabi sa kanya ng senador na may inihahandang ng Final Bill sa Kongreso na ipagpaliban muna ang halalan. Layun ng pagpapaliban na mabigyan ng sapat na panahon ang mga Barangay at SK officials na maipatupad ang kanilang mga sinimulang programa. Ibinunyag ng alkalde ang nabanggit na development pagkatapos ang Induction ng labing-anim na mga bagong SK Kagawad ng apat na barangay ng lungsod noong September 2, 2019. Sila yaong mga nanalong SK kagawad sa special elections noong December 2018 at January 2019 na pinangunahan ng Comelec at DILG. Nagmula sa mga barangay ng Singao, Luvimin, Perez at Lanao ang mga bagong SK Kagawad. Sa kabila nito, hinimok pa rin ni Mayor Evangelista ang mga bagong opisyal ng SK na gampanan at gawin ng maayos ang kanilang mga trabaho at responsibilidad. Nakatuon ang payo ng alkalde sa angkop na Liquidation at paggamit ng pondo ng SK, pag-alalay sa mga barangay officials, at paghahanda ng budget. Maliban pa sa P1,000 na honorarium sa SK, may nakalaan din na Special Trainings ang City Government para mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pamamahala at tamang paggamit ng pondo.##(cio/lkoasay) photo caption – MGA BAGONG SK KAGAWAD NANUMPA NA: Ibinigay ni City Legal Office atty. Jose Paolo Evangelista ang Oath of Offices ng mga bagong akgawad ng SK noong Spetember 2, 2019.Personal din silang kinausap ni City amyor Joseph Evangelista sa kung papaano nilang magmpanan ng tama ang kanilang mga responsibilidad at trabaho bilang mag opisyal at lider ng mga kabataan.(cio photo)

Crime Prevention week ginugunita sa lungsod at buong bansa

KIDAPAWAN CITY – HINIMOK NI City Mayor Joseph Evangelista ang lahat na suportahan ang kampanya ng Pamahalaan kontra kriminalidad sa paggunita ng 25th Crime Prevention Week mula September 1- 8, 2019.
Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa pagpapanatiling matiwasay at mapayapa ang mga komunidad at protektahan ang sarili na mabiktima ng ano mang uri ng kriminalidad, mensahe pa ng alkalde.
Pinalalakas ng City PNP sa kasalukuyan ang kampanya kontra kriminalidad sa pamamagitan ng kanilang Police-Community Relations program.
Nagbibigay ng panahon ang City PNP na bisitahin ang mga purok, komunidad at barangay upang i-assess ang Peace and Order situation ng mga ito.
Nakikipag-usap din ang mga kagawad ng pulisya sa mga purok leaders at barangay officials para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga lugar na nasasakupan.
Payo ng mga otoridad sa lahat na agad ireport ang presensya ng mga masasamang loob sa kanilang lugar sa mga kinauukulan.
Tema ng 25th Crime Prevention week ay “ Buhay Pahalagahan, Komunidad Magtulungan, Krimen Hadlangan,” (cio/lkoasay)

thumb image

P5,000 multa babayaran ng mga lalabag sa proposed Anti Dengue City Ordinance

KIDAPAWAN CITY – HANGGANG LIMANG LIBONG Piso ang babayarang multa sa City Government ng mga lalabag sa pinaplanong Anti-Dengue City Ordinance.
Nakasaad sa Article VI Section 23 at 24 ng Proposed City ordinance number 19- 043 na pinaplanong ipasa na ng Sangguniang Panlungsod upang masawata ang mataas na bilang ng kaso ng mga nagkakadengue sa Kidapawan City. 
Ang planong ordinansa ay nakikitang pamamaraan ng City Government na himukin ang lahat ng sector na makipagtulungan sa Pamahalaan sa pagresolba sa kaso ng dengue.
Pumalo na sa mahigit anim na raan ang dengue fever cases mula Enero hanggang Agosto na may naitalang dalawang namatay.
235% ang itinaas nito kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
Ilan lamang sa itinuturing na violation sa nabanggit na ordinansa ang mga sumusunod: pag-iimbak ng mga lumang gulong, baterya, plastic, bote o alin mang uri ng sisidlan ng tubig na pwedeng pamahayan ng mga lamok at kiti-kiti; pag-iimbak ng mga lalagyan na hindi natatakpan ng maayos lalo na sa mga vulcanizing at battery repair shops at hindi pagpayag ng mga nagmamay-ari ng mga bakanteng lote na pwedeng tirhan ng mga lamok na linisin ng mga kinauukulan o komunidad, ayon pa sa SP Committee on Health na siyang may-akda at nagsusulong sa City Anti Dengue Ordinance.
Pinagbabawal din ang hindi pagkilos ng mga itatatag na mga City Anti Dengue Brigades sa problema ng dengue at pagsira sa mga education at information materials kontra dengue na ipoposte sa mga barangay, ayon pa sa Ordinansa.
Iniimbitahan ni City Mayor Joseph Evangelista at ng Sangguniang Panlungsod ang publiko sa September 9, 2019 ganap na ala una ng hapon kung saan ay gagawin ang Public Hearing para pag-usapan ang Proposed City Anti Dengue Ordinance sa City Cooperative Learning Center sa Barangay Magsaysay.
Target ng SP na maipasa na ang Anti Dengue Ordinance bago pa man matapos ang taong kasalukuyan.##(cio/lkoasay)

(Editorial cartoon is from Philippine Star July 17, 2019 – publisher )

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio