Surprise Mandatory drug test ng mga tsuper at konduktor sa City Overland Terminal isinagawa

You are here: Home


NEWS | 2019/10/28 | LKRO


thumb image

Surprise Mandatory drug test ng mga tsuper at konduktor sa City Overland Terminal isinagawa

KIDAPAWAN CITY – SINORPRESA NG Philippine Drug Enforcement Agency at mga kabalikat nito ang pagsasagawa ng drug test sa mga tsuper at konduktor ng mga bus, vans at iba pang Public Utility Vehicles sa Overland Terminal ng lungsod.
Layun ng drug test ay upang alamin kung gumagamit ba ng illegal na droga ang mga nabanggit para na rin sa kaligtasan ng riding public, ito ay ayon pa kay PDEA 12 Public Information Officer Kath Abad.
Pumili ang PDEA sa mga driver at konduktor na pumasok at naghihintay ng kanilang torno sa terminal na isailalim sa drug test.
Katuwang ng PDEA ang Philippine National Police at Land Transportation Office sa pagsasagawa ng drug test kung saan ay sinuri ang urine samples ng mga driver at konduktor.
Hindi muna makakabyahe ang sino man na magpopositibo sa drug test, ayon pa sa PDEA.
Bukod pa sa confiscation ng lisensya ay kinakailangan munang sumailalim sa rehabilitasyon ang magpopositibo sa drug test para makabyaheng muli, ayon pa sa mga otoridad.
Dahil dito ay humingi ng dispensa ang mga otoridad sa mga naabalang pasahero lalo pa at kaligtasan naman ng mga ito ang hinahangad ng mga otoridad.
Ang drug test ay isa lamang sa mga ginagawang hakbang ng mga otoridad upang maiwasan ang disgrasya sa daan sa panahon ng pagdiriwang ng Undas.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio