DILG pinuri ang ginawang pagtulong sa mga biktima ng lindol

You are here: Home


NEWS | 2020/01/09 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE
January 9, 2020

DILG pinuri ang ginawang pagtulong sa mga biktima ng lindol
KIDAPAWAN CITY – PINURI NG Department of the Interior and Local Government ang City LGU sa ginagawang mga hakbang nito para manumbalik na sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan matapos ang mga mapa sa lungsod.
Sa liham na ipinadala ni DILG 12 Regional Director Josephine Cabrido –Leysa, CESO III kay City Mayor Joseph Evangelista, particular na pinuri ng ahensya ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa National Housing Authority upang mabigayn ng disenteng pabahay ang mahigit sa 1,700 na pamilyang nakatira sa mga high risk areas na nilindol noong October 16, 29 at 31, 2019.
Sila yaong mga napilitang lumikas dahil sa banta ng landslides sa kanilang mga lugar na kinilalang high risk areas ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR.
Para matugunan ang pangangailangan ng bagong tahanan ng mga pamilyang nabanggit, hiniling ni Mayor Evangelista sa Sangguniang Panlungsod na maglagak ng pondo para pambili ng mga lupang pagtatayuan ng resettlement sites.
Malapit o nasa loob ng ancestral domain ng mga pamilyang katutubo sa paanan ng Bundok Apo ang mga itatayong resettlement sites na sinertipikahang ligtas ng MGB.
Suportado naman ng DILG ang mga programa ng City LGU na naglalayung mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan.##(cio/lkoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio