VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG SINUSPINDE NG CITY COMELEC DAHIL SA PELIGRO NG COVID19

You are here: Home


NEWS | 2020/03/12 | LKRO


thumb image

VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG SINUSPINDE NG CITY COMELEC DAHIL SA PELIGRO NG COVID19
KIDAPAWAN CITY – SINUSPINDE pansamantala ng City Comelec ang Voter Registration at Satellite Registration sa mga Barangay ng lungsod bunga ng peligrong dulot ng Corona Virus 2019 sa publiko.

Kinumpirma mismo ni City Election Officer Angelita Failano ang temporary suspension sa isang text message.
Ito ay pagsunod sa Public Advisory ng Education and Information Department ng Commission on Elections National Office sa Manila na ipinalabas nitong March 9, 2020.

Sakop ng advisory ang pagsasantabi muna ng mga naka schedule na mga pagpapatala ng botante at satellite registration sa mga barangay sa buong bansa mula march 10 hanggang March 31, 2020.

Sa Kidapawan City, kasali sa suspension ang pagpapatala sa mismong tanggapan ng City comelec pati na sa mga naka schedule na kahalintulad na aktibidad sa mga barangay simula sa March 14, 2020.

Mahahagip nito ang satellite voter registration sa March 14, 2020 Barangay Birada, March 21, 2020 Meohao at March 27- 28, 2020 Ilomavis.

Hahanapan pa ng City Comelec ng bagong petsa kung kailan gagawin ang mga maiisantabing pagpapatalang nabanggit.

Hindi naman magbabago ang voter registration na gagawin simula sa April 4, 2020, ayon pa kay Failano.##(cio/ajpme/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio