FARMER’S MARKET NAGPAPATULOY SA KABILA NG COVID19 PANDEMIC

You are here: Home


NEWS | 2021/01/12 | LKRO


thumb image

January 12, 2021

FARMER’S MARKET NAGPAPATULOY SA KABILA NG COVID19 PANDEMIC

KIDAPAWAN CITY – ‘SUPORTA PARA SA MGA LOCAL VEGETABLE FARMERS’.

Pinananawagan ito ng City Government sa lahat ng mga Kidapawenyo sa pagpapatuloy ng Farmer’s Market sa tapat ng City Hall.

Mabibili rito ang mga dekalidad at sariwang gulay at prutas sa presyong abot kaya para sa lahat.

“ We are encouraging our local consumers to buy their vegetable sustenance here in the Farmer’s Market. Doing so will help our local vegetable producers and farmers in their livelihood in this time of the Covid19 pandemic”, wika pa ni City Agriculturist Marissa Aton.

Matatandaang sinimulang ipatupad ng City Government ang Farmer’s Market sa tapat ng gusali ng Lokal na Pamahalaan bilang tugon sa suliranin ng mga nagtatanim ng gulay sa kung papaano nila maibebenta ang kanilang produkto matapos manalasa ang Covid19 pandemic.

Ang mga ipinatupad na quarantine protocols kontra Covid19 ay nagresulta sa limitadong oportunidad na maibenta ang mga gulay sa ibang mga pamilihan, bagay na naka-apekto ng malaki sa kabuhayan ng mga nagbebenta nito.

Dahil dito, binili ng City Government ang mga benta ng vegetable growers and producers at ipinagbibili sa pubiko magpasahanggang kasalukuyan sa Farmer’s Market.

Nagsimulang ibenta ng mga magsasaka ang kanilang produkto noong Abril 2020 kung saan ay inilagay ni Mayor Joseph Evangelista sa community quarantine ang lungsod.

Maliban sa natutulungan nito na magkaroon ng hanapbuhay ang mga magsasaka, ay nakatugon din ito sa seguridad sa masusustansyang pagkain ng mamamayan dahil ibinebenta ang mga produktong gulay at prutas sa abot kayang halaga.

Ipinaseguro noon ni Mayor Evangelista na may angkop na supply ng pagkain ang taga Kidapawan City dahil na rin sa walang kaseguruhan kung kalian magtatagal ang problemang dala ng Covid19 pandemic.

Bukas ang Farmer’s Market mula 8am-5pm Lunes hanggang Biyernes para sa lahat ng mga nagnanais makabili ng sariwang gulay at prutas, ayon pa sa City Agriculture Office. ##(CIO/JPE/kro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio