MAYOR EVANGELISTA NAGPASALAMAT KAY PANGULONG DUTERTE SA P15 MILLION ‘GREEN, GREEN, GREEN’ PROJECT SA CENTER ISLANDS NG LUNGSOD

You are here: Home


NEWS | 2021/01/13 | LKRO


thumb image

January 13, 2021

MAYOR EVANGELISTA NAGPASALAMAT KAY PANGULONG DUTERTE SA P15 MILLION ‘GREEN, GREEN, GREEN’ PROJECT SA CENTER ISLANDS NG LUNGSOD

KIDAPAWAN CITY – PASASALAMAT ANG IPINAPAABOT NI City Mayor Joseph Evangelista kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng P15 Million na pondo para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng may tatlong kilometrong bahagi ng Center Islands sa Quezon Boulevard.

“ In behalf of the people of Kidapawan City, our heartfelt thanks to President Duterte through the Department of Budget and Management for allocating the funds for the rehabilitation and beautification of our center islands, which we consider an iconic landmark of the city.”, pahayag pasasalamat ng alkalde sa Pangulo ng bansa.

Ang ‘Green, Green, Green” Program na bahagi naman ng Build, Build, Build Massive Infrastructure Development program ng Duterte administration.

Ang Center Islands ang napili ng City Government na proyekto dahil ito ay maituturing na iconic landmark ng lungsod at madaling marating o accessible para sa mamamayan.

Naisa-ayos at napaganda ng proyekto ang bahagi ng center islands mula sa tapat ng Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral hanggang sa may CAP Building ng Quezon Boulevard.

Nagmula ang pondo sa Department of Budget and Management na naglalayung gawing ‘livable at sustainable’ ang 145 na mga lungsod sa buong bansa sa pamamagitan ng pagsasaayos at tamang paggamit ng mga open spaces nito.

Abot sa tatlong bilyong piso ang itinabing pondo ng DBM para ipatupad ang nabanggit na proyekto sa buong bansa kung saan, basehan ng halagang matatanggap ng bawat lungsod ang laki ng populasyon at lawak ng lupaing sakop nito.

Tinutulungan ng Green, Green, Green program ang mga city governments na magdisenyo ng forest parks, botanical gardens, landscaping, tree planting, paglalagay ng mga ‘eco-friendly’ na mga pailaw at istraktura.

Maliban sa napapanatili nitong presko at dekalidad ang hanging nalalanghap ng mamamayan, nababawasan din nito ang mapanirang epekto ng climate change tulad na lamang ng matinding init ng sikat ng araw at pagbaha.

Sa kabila ng Covid19 pandemic ay natapos ang proyektong nabanggit ng City Government na sinimulang ipatupad noong buwan ng Setyembre 2020 at natapos nitong Disyembre na nagsilbing pangunahing atraksyon sa panahon ng nakalipas na Kapaskuhan.##(CIO/JPE/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio