KIDAPAWAN CITY 3RD MOST COMPETITIVE COMPONENT CITY NG MINDANAO SA TAONG 2020 – DTI

You are here: Home


NEWS | 2021/01/22 | LKRO


thumb image

January 22, 2021

KIDAPAWAN CITY 3RD MOST COMPETITIVE COMPONENT CITY NG MINDANAO SA TAONG 2020 – DTI

KIDAPAWAN CITY – MAAYOS NA PAMAMAHALA AT EPEKTIBONG PAGBIBIGAY SERBISYO PUBLIKO PARA SA LAHAT.

Ganito mailalarawan ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagkakahirang ng Kidapawan City bilang 3rd Most Competitive Component City in Mindanao ng Department of Trade and Industry para sa taong 2020.

Sa kabila ng naranasang 2019 earthquake at ang nagpapatuloy na krisis na dala ng Covid19 pandemic, nananatiling maayos at kapaki-pakinabang ang mga programa at serbisyong hatid ng City Government sa mamamayan, at pag-unlad ng lungsod.

“This recognition is for all of the Kidapawenyos. Your City Government will always do its best to serve and roll out programs that will be beneficial for all”, pahayag pa ni Mayor Evangelista.

Sukatan nito ang mga sumusunod: economic dynamism, government efficiency, infrastructure, and resiliency na mga pangunahing criteria para maging isang competitive city.

Tuloy ang pagbibigay ng regular na serbisyo publiko at naipatutupad ng wasto ang mga proyekto ng City Government sa panahon ng Covid19.

Nanatiling matatag ang iba pang serbisyo gaya ng health at emergency medical response, public safety, social services, at education programs ng City Government noong 2020 kahit pa naging limitado ito sa simula dahil na rin sa naranasang krisis na dulot ng Covid19.

Sa usaping pang ekonomiya, nananatiling masigla ang maraming negosyo sa lungsod sa kabila ng pandemya.

Nagpapatuloy din ang mga proyektong pang-imprastraktura hindi lamang sa mga proyektong ginagawa ng City Government, kungdi, kapansin-pansin din ang pagtatayo ng mga bagong gusaling pang negosyo sa sentro at mga barangay ng lungsod.

Pumangatlo ang lungsod sa 27 na mga component cities ng Mindanao ayon pa sa inilabas ng DTI kamakailan lang.

Sinundan ng Kidapawan City sa Component Cities category ang mga lungsod ng Tagum at Cotabato na siyang nasa una at pangalawang pwesto habang nasa ikaapat na pwesto ang Panabo City Davao Del Norte at Pagadian City Zamboanga Del Sur. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio