TRAVEL AUTHORITY AT HEALTH CERTIFICATE HINDI NA REQUIRED SA MGA BABYAHE PATUNGO SA KIDAPAWAN CITY

You are here: Home


NEWS | 2021/03/02 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – SA BISA NG EXECUTIVE ORDER NUMBER 022 S. 2021 na inilabas ni City Mayor Joseph Evangelista nitong March 2, 2021, hindi na required ang travel authority at health certificates sa mga essential at non-essential travelers na uuwi o kaya ay dadaan sa Kidapawan City.

Ito ay bilang pagsunod sa National IATF-MEID Resolution No. 101 dated February 26, 2021 approving the uniform travel protocols for land, air, and sea, of the Department of the Interior and Local Government, crafted in close coordination with the Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces/Municipalities/Cities of the Philippines.

Una ng nirekomenda ng Local IATF kay Mayor Evangelista na sumunod ang City Government sa uniform protocols ng National IATF-MEID sa ilalim ng Resolution No. 03 series of 2021.

Kinakailangang magpakita ng valid ID para maberipika ng mga otoridad ang pagkakakilanlan at edad ng traveler kalakip ang CCTS card na nire-require ng Cotabato Provincial Government sa mga checkpoints papasok ng Kidapawan City.

Bagamat at hindi na required ang travel authority at health certificate, kinakailangan pa ring makipagkita sa CESU ang mga uuwing indibidwal sa lungsod para sa recording at monitoring.

Sasailalim naman sa quarantine protocols ang mga indibidwal na may simtomas ng Covid19 kapag nakarating na sa lungsod.

Kapag nanggaling naman sa mga lugar na nasa GCQ status, hinihikayat na magpresenta ng negative result ng RT-PCR na kinuha sa loob ng 48 oras ang traveler sa CESU.

Hindi pa rin pinapayagan ang mga bata edad 15 anyos pababa at senior citizens edad 65 years old pataas na bumiyahe sa lungsod sa ngayon habang exempted naman sa nabanggit na polisiya ang mga Authorized Persons Outside Residence o APOR. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio