MGA NAWALAN NG TRABAHO AT KABUHAYAN DULOT NG COVID19 TINULUNGANG MAKABANGON MULI NG CITY GOV’T AT PARTNER AGENCIES

You are here: Home


NEWS | 2021/04/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ISINAGAWA ng Public Employment Services Office (PESO) ang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021 nitong nakalipas na April 8, 2021.

Layun ng aktibidad na matulungan na makahanap ng trabaho at kabuhayan ang mga indibidwal na naging jobless nitong panahon ng pandemya.

“This is our way of helping those affected by the Covid19 pandemic slowly go back to earning a living and provide for their families”, mensahe pa ni City Mayor Joseph Evangelista sa isang video message bilang suporta sa mga jobseekers na sumali sa aktibidad.

Mas binigyang prayoridad naman ng aktbidad ang local employment generation. 

Nagsagawa rin ng Business Coaching para naman sa mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng maliit na negosyong pangkabuhayan sa panahon ng pandemya.

Pito mula sa walong kompanyang naghahanap ng empleyado na sumali sa Jobs Fair ay pawang mga local based employers.

Ito ay ang: VXI Holdings BV; Pryce Gas Inc, Taytay sa Kauswagan, Bluesun, KCC Mall of Marbel at Sky Go Motors, samantalang nag—iisang kompanya, ang Zontar Manpower ang naghahanap naman para sa overseas employment.

Bago pa man ang aktwal na screening at interviews, dumaan muna sa online pre-registration sa Public Employment Services Office ng City Government ang mga aplikante.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa mga pina-iiral na minimum health protocols kontra Covid19.

Dahil limitado lamang ang bilang ng dapat sumailalim sa face to face interview, dumaan na lamang sa online interview ang iba pang aplikante.

Katuwang ng City Government sa isinagawang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021ang Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Philippine Overseas Employment Administration, Technical Education and Skills Development Authority at ang Overseas Workers Welfare Administration.

Ginanap ang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021 buong araw ng April 8, 2021 sa tanggapan ng PESO Kidapawan City. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio