MGA BATANG PWD’s at CHILD LABORERS NAKATANGGAP NG REGALONG PAMASKO MULA SA CITY GOVERNMENT

You are here: Home


NEWS | 2021/11/26 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAAGANG  namigay ng regalong pamasko si Kidapawab City Mayor Joseph Evangelista kasama ang City Social Welfare and Development Office at mga partners sa mga batang Persons with Disabilities at mga child laborers sa Culmination Program ng Children’s Month ngayong November 26, 2021.

Tatlumpung mga batang PWD’s at child laborers ang nabigyan ng regalo sa ceremonial gift giving na ginanap sa Mega Tent ng City Hall.

Ginawa ang gift giving matapos ihayag ni Mayor Evangelista ang kanyang State of the Children’s Address na siyang pinaka highlight ng Children’s Month Celebration ngayong buwan ng Nobyembre 2021.

Tumanggap ng mga grocery items ang mga batang lumahok sa ceremonial gift giving ng City Government.

Sa kanyang mensahe binigyang diin ng ni Mayor Evangelista na tungkulin ng mga magulang na alagaan ng maayos ang kanilang mga anak upang lumaki ang mga bata na responsable, magalang at produktibong mamamayan.

Binigyang diin din Ng alkalde na dapat na ring magpabakuna ang mga batang may edad na 12-17 years old o Pediatric Group para maproteksyunan laban sa Covid at makabalik na sa paaralan sakaling magpatupad na ng face to face classes ang gobyerno sa susunod na taon.

Kaugnay nito ay 200 naman na mga bata, tig iisang daang mga PWD at child laborers, ang makatatanggap din ng kahalintulad na regalo mula sa apatnapung barangay ng lungsod, ayon pa sa CSWDO.

Aktibong partners ng City Government sa programang pambata ang With Love Jan Foundation Incorporated at World Vision, pati na ang mga stakeholders gaya ng Department of Education, Barangay Council for the Protection of Children, Sangguniang Kabataan, Philippine National Police, at ang pribadong sektor ng lungsod.##(CIO/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio