MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY PATADON KIDAPAWAN CITY NAGPASALAMAT SA CITY GOVERNMENT SA MATAGUMPAY NA ANTI-COVID19 VACCINATION

You are here: Home


NEWS | 2022/01/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ABOT sa 299 na mga  residente ng Barangay Patadon na nabibilang sa Muslim communities sa Lungsod Ng Kidapawan  ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19  isinagawang Bakunahan sa Barangay ng City Government of Kidapawan kahapon, January 19, 2022.

Sa nasabing bilang, 220 dito ay first dose, 47 ang second dose at 32 naman ang booster shot, ayon na rin sa datos mula sa City COVID-19 Nerve Center.

Kasali sa mga nabakunahan sina Patadon Barangay Chair Odin Patadon Isla at Cotabato Provincial DILG Director Ali Abdullah na kapwa tumanggap ng booster shots.

Pinasalamatan ng mga residente ang City Government sa pagpapa-unawa sa kanila sa kahalagahan ng pagpapabakuna at ang dulot nitong kaligtasan mula sa nakamamatay na COVID-19.

Naibsan ang pangamba ng mga residente hinggil sa bakuna kung kaya’t hindi na sila nag-atubili pang tumangap nito, ayon sa ilang mga vaccinees.

 Maliban sa bakuna, ay tumanggap din sila ng food packs gaya ng isang buong dressed chicken at dalawang kilong bigas bilang dagdag na ayuda mula sa Lokal na Pamahalaan.

Mga A1-A5 priority eligible population at 12-17 years old pediatric group ng Barangay Patadon ang nabakunahan ng City Health Office sa naturang pagkakataon.

Ang matagumpay na bakunahan sa Barangay Patadon ay bunga na rin ng mandato ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na ilapit na mismo sa mga barangay ang Vaccination Roll Out ng City Government.

Batid ng alkalde ang hirap ng maraming mga residente ng malalayong barangay na makapunta sa mga vaccination centers sa sentro ng lungsod kung kaya ay ginawa na ang pagbabakuna sa mga barangay.

Bukas, araw ng Biyernes, January 21, 2022 ay magsasagawa muli ng Bakunahan sa Barangay Sudapin ng lungsod. ##(CIO/JSC/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio