SUBAY SA BALAOD NA PROGRAMA NG CITY LEGAL OFFICE NAKATULONG SA MGA OPISYAL NG BARANGAY SA PAGSASAAYOS NG MGA GUSOT SA KANILANG BARANGAY

You are here: Home


NEWS | 2022/06/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY –

PORMAL ng nagtapos ang Subay sa Balaod na programa ng City Legal Office sa iba’t-ibang barangay sa Kidapawan City.

Ginanap ang Culmination  Program nito sa Barangay Balindog, Kidapawan City ngayong   araw ng Martes, June 14, 2022.

Pinangunahan ito Acting City Legal Officer Atty. Mabelle E. Acosta Kasama ang mga partner offices ng Subay sa Balaod kung saan ay sinaksihan ng mga barangay officials ng Balindog.

Mahalaga ang naturang programa dahil nabibigyan nito ng kaalaman sa batas ang mga naatasang magpatupad ng ‘mediation’ sa mga barangay partikular na kung papaano nila maaayos ang mga gusot at suliranin na maaring kaharapin ng kanilang mga constituents.

Sinimulan ang Subay sa Balaod noon pang March 3, 2022 na naglalayong magbigay ng kaalaman patungkol sa R.A. No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act; R.A No. 7610 o Anti-Child Abuse Act at R.A No.1113 or Safe Spaces Act.

Mula sa bilang na 30-35 na mga Barangay Officials, Barangay Workers, BPATs, Barangay Health Workers, Lupon Members, Purok Presidents ang mga kalahok mula sa bawat barangay na ginaganap ang programa.

Naatasang magbigay ng lecture sa RA 9262 si City PNP-Women’s and Children’s Protection Desk si Police Senior Master Sergeant Aileen P. Jauod, RA 7610 si City Social Welfare and Development Officer Daisy P. Gaviola, at para naman sa RA 11313 ay si City Legal Officer Atty Acosta.

Nagpasalamat  naman ang ang mga opsiyal at kawani ng mga barangay kung saan isinagawa ang Subay sa Balaod dahil na rin sa nakapagbigay ito ng kaalamang legal at mga payo kung papaano nila mabibigyan ng mahusay na serbisyo ang kanilang mga mamamayan.##(CIO/lkro/iff



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio