100 MGA ELEMENTARY STUDENTS MULA SA DALAWANG BARANGAY NAKABIYAYA SA GIFT-GIVING NG PROJECT ANGEL TREE

You are here: Home


NEWS | 2022/06/19 | LKRO




KIDAPAWAN CITY (June 18, 2022) – LUBOS ang kasiyahan ng mga batang mag-aaral mula sa dalawang barangay sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap na gift-giving activity ng Project Angel Tree – Balik Eskwela 2022 ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng City Government of Kidapawan ngayong araw ng Sabado, June 18, 2022.

Mga selected pupils o mga piling mga mag-aaral mula sa mga pinakamahihirap na pamilya ang nabigyan ng mga regalo na una na nilang hiniling sa pamamagitan ng Project Angel Tree kung saan isinulat ng mga bata sa mga hugis pusong papel ang kanilang kahilingan.

Pinangasiwaan ni Project Angel Tree at OFW Special Concerns Focal Person Aida Labina ang gift-giving activity na ginanap sa Nuangan Integrated School, Barangay Nuangan (50 pupils) at Datu Saliman Elementary School, Barangay Indangan (50 pupils).

Nataon ito sa pagbabalik ng face-to-face classes o balik-eskwela sa lungsod kung kaya’t ang karamihan sa mga kahiligan ay mga gamit pang-eskwela tulad ng school bags, school shoes, damit, lapis, papel, notebook, crayons at iba pa.

Ngunit may mga bata ring humiling ng bigas, canned goods para sa kanilang pamilya at maging jolibee chicken na isang pangarap ngmatikman para sa ilan sa kanila.

Kasama rin sa aktibidad si Human Resource Management Office o HRMO Head Magdalena Bernabe at ilang mga personnel. Pinangasiwaan nila ang maayos na pamamahagi ng regalo sa mga benepisyaryo.

Lumahok din sa gift-giving ang mga opisyal ng Barangay Nuangan na sina Nuangan Punong Barangay Cristina Padaya, Kagawad Norhana Lemano, at Nuangan OFW Association President Normina Camsa. Nakiisa din ang mga Classroom Advisers na si Marissa Diaz. Ginanap ito ganap na alas-nuwebe ng umaga sa mini-covered court ng paaralan.

Samantala, pagsapit naman ng alas-dos ng hapon ay lumahok din sa aktibidad sina Indangan Punong Barangay Sedinio Alilian kasama sina Kagawad Reynante Duhat, at Indangan OFW Association President Efrein Rose Bacus at mga Classroom Advisers na sina Rosalie Villaver at Levita Ulan. Ginanap ito sa kanilang mini-covered court with stage.

Labis naman ang katuwaan ng mga bata sa natanggap na biyaya ganundin ang kanilang mga magulang na sumaksi sa gift-giving activity.

Napaluha pa ang mag-aaral na si Novie Friyana Balgos ng Nuangan Integrated School ng siya ay mabigyan ng pagkakataon na magpasalamat kasama ang kanyang mga kapwa mag-aaral sa biyayang natanggap at ganon din naman ang pagpapasalamat ng mga bata mula sa Datu Saliman Elementary School ng Barangay Indangan.

Pinasalamatan nila ang mga “Angels” o ang mga sponsors na nagbigay ng katuparan sa mga kahilingan ng mga mahihirap na bata sa pamamagitan ng mga regalo o biyaya. 

Abot sa 56 “Angels” ang nagbigay ng regalo sa ginanap na gift-giving activity na binubuo ng mga government at private offices, academe, business, private individuals, at iba pa.

Ito na ang ika-siyam na taon ng Project Angel Tree mula ng ito ay ilungsad noong 2013 sa pamamagitan ng DOLE at ng City Government of Kidapawan.

Layon nito na matulungan ang mga mahihirap na mga bata sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga kahilingan. Dalawang beses ito ginagawa bawat taon – tuwing pasukan sa eskwela at kapaskuhan.  (CIO-jscj/if/aa)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio