CITY MAYOR ATTY PAO EVANGELISTA NANGUNA SA PAGBIGKAS NG PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN SA KAUNA-UNAHANG FLAG RAISING AT CONVOCATION PROGRAM NG KANYANG ADMINISTRASYON

You are here: Home


NEWS | 2022/07/04 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MISMONG si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa ‘Panunumpa ng Lingkod Bayan’ sa unang flag raising and convocation program ng City Government sa ilalim ng kanyang liderato.

Sabayang binibigkas ang Panunumpa ng Lingkod Bayan alinsunod sa Civil Service Memorandum Circular No. 15 na nag-uutos sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan na magbigay ng wastong serbisyo at paggalang sa publiko.

Nanguna ang bagong alkalde sa nabanggit na aktibidad sa harapan ng City Hall kung saan ay dumalo ang lahat ng opisyal at mga empleyado ng City Government, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.

Hinikayat din ni Mayor Evangelista na maging magalang ang lahat ng opisyal at empleyado sa pakikitungo sa mamamayan na naghahangad ng serbisyo mula sa City Government dahil ito naman ang inaasahan sa kanila.

Magkakaroon na rin ng mga pagbabago sa City Government gaya na lamang ng weekly convocation program na gaganapin tuwing araw ng Lunes at Flag Retreat ceremony naman tuwing araw ng Biyernes. Layon ng mga pagbabagong ito na lalong palakasin ang serbisyo publiko sa hanay ng mga  City Government employees mula araw ng Lunes hanggang matapos ang gawain sa  loob ng isang linggo. ##(CIO/lkro/aca/iff)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio