KDAPS PROGRAM NG CITY GOVERNMENT INILUNGSAD; SERBISYO PUBLIKO DIREKTANG DADALHIN SA MGA BARANGAY

You are here: Home


NEWS | 2022/07/04 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 4, 2022) SIMULA ngayong buwan ng Hulyo 2022 ay direkta ng makikinabang sa mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan  at mga partner national line agencies na nakabase sa lungsod ang mga mamamayan ng 40 barangay ng lungsod.

Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nagpahayag nito sa  kauna-unahang Flag Raising at Convocation Program ng City Government sa ilalim ng kanyang liderato nitong umaga ng Lunes, July 4, 2022.

Kaugnay into, tuwing may Barangay Foundation Day ay magsasagawa ng Serbisyo Caravan ang City Government kasama ang national line agencies sa pamamagitan ng KDAPS Program o ‘Kabaranggayan, Dad-an og Proyekto ug Serbisyo’ kung saan pagsapit ng July 29, 2022 sa foundation day ng Barangay New Bohol ay unang gagawin ito.

Layon ng KDAPS na lalo pang mailapit at maibigay ang mga programa ng pamahalaan sa mga mamamayan sa mga malalayong barangay ng lungsod ng Kidapawan.

Sa tulong ng KDAPS Program ay magiging ‘One Stop Shop’ na ang mga serbisyo gaya ng libreng birth certificate, late registration, health and social services mula sa City Health at City Social Welfare and Development, Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA mula sa City Agriculture Office at iba pang mga kahalintulad na programa, proyekto, at serbisyo mula sa mga national line agencies ang ibibigay sa mga mamamayan bilang pakikiisa sa foundation day ng mga barangay.

Isa ang KDAPS sa mga pagbabagong aasahan ng mga Kidapawenyo mula sa City Government sa pamumuno ni Mayor Pao Evangelista.

Kaugnay nito, ay tinupad din ng bagong alkalde ang kanyang pinangakong ‘tarpaulin bags’ na mula sa recycled campaign materials na nakatakdang ipamimigay sa lahat ng day care pupils ng lungsod ng Kidapawan.

Abot sa isang libong tarpaulin bags na may lamang anti-Covid19 hygiene kits ang ibibigay ni Mayor Pao Evangelista sa mga bata sa day care centers sa pagbubukas ng panibagong school year sa buwan ng Agosto 2022. ##(CIO/lkro/aca/iff)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio