MGA MAY KAPANSANAN DAPAT NAUUNA SA BENEPISYONG HATID NG PAMAHALAAN – MAYOR PAO EVANGELISTA

You are here: Home


NEWS | 2022/07/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 21, 2022) “ANG KAUNLARAN ay dapat sa pangkalahatan.”

Mensahe ito ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mga Persons With Disabilities o PWDs kaugnay ng pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa Lungsod ng Kidapawan.

Binigyang diin ni Mayor Evangelista na dapat nauunang makabenepisyo sa mga programa ng pamahalaan ang mga vulnerable sectors ng lipunan lalo na ang mga may kapansanan.

“ Maliban sa mga tulong na ating binibigay gaya ng wheelchairs at monthly stipend sa ating mga kapatid na PWD’s, ay mas mahalaga na maipadama sa kanila na may gobyernong aalalay at tutugon sa kanilang mga hinaing”, sinabi ni Mayor Evangelista sa mga PWD’s na dumalo sa isang programang pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa City Gymnasium ngayong umaga ng July 21, 2022.

Personal na iniabot ni Mayor Evangelista ang bagong wheelchair sa magkapatid na PWD na sina Garry edad 15 at Christian Lopez 12 years old na taga Barangay Balabag, Kidapawan City sa ceremonial giving ng nabanggit na orthopedic assistive device na siyang highlight ng programa.

Maliban dito ay nagbigay din ng bigas at P500 monthly stipend para sa mga PWDs ang alkalde sa nasabing okasyon.

Sa temang “Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, tugon sa Pagpapalakas ng Taong May Kapansanan”, binibigyan ng pagkakataon ang sector ng PWD’s na magdiwang ng kanilang espesyal na araw sa Lungsod ng Kidapawan.

Panauhing pandangal ng okasyon si DWSD XII Regional PWD Focal Person Junaina Guro, RSW, MPA.

Hinihikayat ang mga may kapansanan na dumulog sa mga tanggapan ng pamahalaan para magkaroon ng kaalaman sa paghahanapbuhay para sila maging produktibo at may kabuhayan. Tampok din sa 44th National Disability Prvention and Rehabilitation Week ang  free medical outreach program na hatid ng City Health Office at self care services gaya ng libreng masahe, pedicure, manicure at gupit mula naman sa TESDA Cotabato.##(CMO-cio/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio