NEWS | 2022/10/05 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) – HANGAD ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na maging Champion of Education.
SInabi ito ng alkalde sa kanyang mensahe sa mahigit dalawang libong guro mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan ng lungsod sa pagdiriwang ng National Teachers Day ngayong araw ng Miyerkules October 5, 2022.
Nais ni Mayor Evangelista na maging committed at matiyak na walang batang maiiwan sa larangan ng edukasyon sa Lungsod ng Kidapawan.
โ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏโ, sinabi ni Mayor Evangelista.
Bilang bahagi ng kanyang commitment ay hiniling niya sa mga guro na dadalo siya at uupo sa loob ng klase upang direktang maobserbahan kung papano naibibigay ang lessons sa mga bata.
Kakausapin niya ang mga mag-aaral at mismong mga guro at magulang upang malaman ang hinaing ng mga ito sa pagpapa-aral sa mga bata.
Nagbigay pugay din ang alkalde sa mga guro na nagsisikap na magturo sa mga bata sa araw-araw.
Si Mayor Evangelista ay siyang panauhing pandangal sa launching ng Division Educational Development Plan o DEDP ng Kidapawan City Schools Division noong September 30, 2022.
Ang DEDP ay magiging gabay sa kung papaanong ipatutupad ng DepEd ang mga programa nito mula taong 2023 hanggang 2028.
Bilang pakikiisa sa okasyon ay nagbigay si Mayor Evangelista ng cash prizes para sa mga mananalo sa patimpalak ng National Teachers Day sa lungsod ng Kidapawan na ginanap sa City Gymnasium.
##(CMO-cio)