AGRIPRENEUR MULA SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN NAGWAGI BILANG 2ND PLACER SA SEARCH FOR OUTSTANDING RURAL WOMEN IN REGION 12

You are here: Home


NEWS | 2022/10/05 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) – NAGWAGI bilang Second Placer sa Search for Outstanding Rural Women in Region 12 ang isang lady agripreneur mula sa Barangay Sumbac, Kidapawan City

Ito ay sa katauhan ni Shiela F. Livera, may-ari ng SJC Products na isa sa mga local producer ng premium coffee.

Ginanap ang awarding sa Agua Frio Hotel and Restaurant sa Koronadal City kung saan dumalo si Livera at iginawad sa kanya ang isang Plaque of Recognition na may lagda ni DA12 OIC Regional Executive Director Sailila E. Abdula, Ph.D.

Kasamang dumalo sa okasyon si Corafer I. Moreno, Agriculture Technician mula sa Barangay Sumbac.

Bahagi ng Gender and Development program ng Dept. of Agriculture o DA 12 ang pagbibigay ng parangal o pagkilala sa mga natatanging agripreneur sa Region 12 o SOCCSKSARGEN Course kung saan nagpakita ang mga ito ng best practices at natatanging kontribusyon sa larangan ng negosyo at agrikultura.

Bilang isang Agripreneur, isinusulong ni Livera ang paggawa ng mga na gumawa ng mga kalidad na kape gamit ang makabagong teknolohiya at maayos na koordinasyon sa ahensiya ng gobyerno, ayon kay Marissa T. Aton, City Agriculturist.

Kabilang rito ang Kape Kidapawan premium coffee, Kape Kidapawan Arabica kung saan nabibili sa mga piling outlet at sa pamamagitan ng kanilang Facebook account na SJC Food Products. (CIO-jscj//if//photos by OCA)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio