NEWS | 2022/10/25 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (October 21, 2022) โ BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre 2022 ay nakiisa ang abot sa 21 na mga kooperatiba sa Kidapawan City sa bloodletting activity na ginanap sa City Cooperative Development Center, Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw ng Biyernes, October 21, 2022. Layon ng aktibidad na makalikom ng dugo at maibahagi ito sa mga nangangailangan partikular na ang mga pasyente o mga nasa emergency situations, ayon kay City Cooperative and Development Officer Dometilio Bernabe. Maaga pa ay pumila na para sa bloodletting ang mga opisyal at miyembro ng mga sumusunod na kooperatiba: Mua-an Credit Cooperative, RIC Producers Cooperative, LKERCCO, Kidapawan Transport Cooperative, DPWH Cotabato Retired Employees MPC, Kidapawan Pangkabuhayan Marketing, Corp., Sumbac MPC, Kisandal Multi-Purpose Cooperative, Kidapawan City Women Market Vendors Credit Cooperative, at Springside Medical Service Co-op.Nakiisa din ang personnel mula sa Mt Apo 10 KR MPC, Stanfilco Kidapawan Consumers Cooperative, King Cooperative, DAR Cot MPC, MAHALS MPC, SAMULCO, Hard Target MPC, CBC, Mediatrix MPC, Rainbow Family MPC, KCDOTREMCO. Kaugnay nito, ipinaabot ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang pasasalamat sa mga lumahok sa bloodletting kasabay ang pahayag na suportado niya ang mga programa na magpapa-angat sa estado ng mga kooperatiba sa lungsod.Samantala, sa darating na October 25, 2022 ay gagawin ang isang Cooperative Forum sa CCDC na dadaluhan pa rin ng ibaโt-ibang kooperatiba sa lungsod. Layon nito na mapalakas pa ang hanay ng mga kooperatiba at lalong maging matibay ang kanilang ugnayan tungo sa pagkamit ng kanilang mga layunin. Tema ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong taon ay โKOOPINAS: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-Samang Pag-unladโ.