SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM ASSOCIATION SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN AT BJMP LUMAGDA SA ISANG MARKETING AGREEMENT

You are here: Home


NEWS | 2022/11/08 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) – MAGANDANG balita para sa mga miyembro ng San Isidro Sustainable Program Association o SISPA na matatagpuan sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City ang paglagda ng kanilang mga opisyal sa Marketing Agreement kasama ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP – Kabacan, Cotabato Province. Nakapaloob sa naturang kasunduan ang pag-supply ng SISPA ng kanilang produktong gulay tulad ng talong, kalabasa, broccoli, pechay, sibuyas, pipino pati na kamatis at iba pang farm products sa BJMP-Kabacan. Alinsunod ito sa layunin ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP na isang special program ng Department of Social Welfare and Development o DWSD na tumutulong sa SISPA upang mapasigla ang kanilang produksyon at makatulong sa food supply and food sustainability. Si Dino A. Bulambao, Presidente ng SISPA at J/INSP Edneil P. Capundan ang mga signatory ng Marketing Agreement na ginanap sa Senior Citizen Hall, Kidapawan City, kahapon, Nov. 7, 2022. Magbibigay daan ang kasunduan sa maayos na benta at tiyak na income para sa SISPA at tiyak na supply ng pagkain sa BJMP ng Kabacan. Tiniyak din ang tamang presyo ng mga produkto o sa mababang halaga lamang dahil wala ng middle men. Dumalo at nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Provincial Jail Warden J/CISP Joe Anthony Gargarita at Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP Regional Program Coordinator Ibrahim S. Sangcupan. Sumaksi sa Signing of Marketing Agreement ang mga City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa pamamamagitan ni Assistant CSWD Officer Aimee Espinoza. Natutuwa si Espinoza sa kaganapan dahil makatutulong ito sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga kasapi ng SISPA na pawang mga miyembro din ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. (CIO-jscj//if//nl)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio