π’πŽπ‚πˆπŽ-𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 π‚πŽππ“π„π’π“ π“π€πŒππŽπŠ 𝐒𝐀 ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 π‚π‡πˆπ‹πƒπ‘π„πβ€™π’ πŒπŽππ“π‡

You are here: Home


NEWS | 2022/12/02 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 25, 2022) – NAGING mas kapana-panabik ang pagdiriwang ng Children’s Month sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap na Socio-Cultural Contest sa City Gymnasium ngayong araw na ito ng Biyernes, Nobyembre 25, 2022 kung saan itinampok ang poetry recital and field demo sa hanay ng mga kabataan.

Sa temang β€œπ˜’π˜’π˜­π˜Άπ˜΄π˜Άπ˜¨π˜’π˜―, π˜’π˜’π˜ͺ𝘴π˜ͺ𝘱𝘒𝘯, 𝘒𝘡 π˜’π˜’π˜±π˜’π˜¬π˜’π˜―π˜’π˜― 𝘯𝘨 π˜‰π˜’π˜Έπ˜’π˜΅ π˜‰π˜’π˜΅π˜’ 𝘈𝘡π˜ͺ𝘯𝘨 π˜›π˜Άπ˜΅π˜Άπ˜¬π˜’π˜―β€ ay nagtagisan sa Field Demonstration at Poetry Recital ang mga batang mag-aaral mula sa District 1-8 kung saan tumanggap ng Certificate of Participation at prizes ang mga nanalo.

Pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang naturang aktibidad na bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng Children’s Month ngayong Nobyembre, 2022.

Mahalaga ang ganitong okasyon upang maibahagi ng mga kabataan ang kanilang angking talino at maramdaman nila ang kanilang halaga sa lipunan, ayon kay CSWD Officer Daisy G. Perez.

Si City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality ang naatasang magbigay ng inspirational message hindi lang para sa mga kabataan kundi pati na sa bawat dumalo sa aktibidad.

Hinimok niya ang iba’t-ibang sektor na magkaisa sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata lalong lalo na ang mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan para mapabuti ang kabataan. (CIO-jscj//nl//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio