π—žπ—”π—šπ—”π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—”π—‘ 𝗔𝗧 π—žπ—”π—£π—”π—žπ—”π—‘π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘ π—§π—”π— π—£π—’π—ž 𝗦𝗔 𝗦𝗒𝗖𝗔 π—‘π—œ π—–π—œπ—§π—¬ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—π—£π— π—˜

You are here: Home


NEWS | 2022/12/02 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 29, 2022) – INILAHAD ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang kanyang State of the Children Address o SOCA ngayong araw na ito ng Martes, Nobyembre 29, 2022 ganap na 10:30 ng umaga sa Kidapawan City Gymnasium.

Taglay ng SOCA ni Mayor Evangelista ang kagalingan at kapakanan ng kabataan na nakapaloob sa β€œFour Rights of the Children” at ito ay ang Survival, Development, Protection, at Participation.

Ibinahagi ng alkalde ang mga programang isinusulong ng City Government of Kidapawan para sa mga kabataan kabilang dito ang Buntis Caravan, Maternal, Child Health and Nutrition, Oral Health Program, Vaccination of Anti Covid-19 vaccines, Operation Timbang, Complementary Feeding Program at marami pang iba.

Kanya ding inilahad na nasa 17,802 ang bilang ng pre-school children sa lungsod at sinisikap ng city government sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na mabigyan ang mga ito ng kaukulang pansin at maipaabot sa kanila ang mga nararapat na tulong.

Abot naman sa 3,128 na pre-school children sa lungsod ang nabiyayaan ng masustansiyang pagkain sa mga ipinatupad na feeding program habang naka line up naman feeding para sa iba pang mga kabataan, dagdag pa ng alkalde.

Itinaon ang SOCA sa Culmination Program ng pagdiriwang ng 30th National Children’s Month Celebration ngayong araw.

Dumalo sa okasyon sina City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng SP Kidapawan Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality; CSWD Officer Daisy Gaviola, City Administrator Janice Garcia, City Local Operations Officer Julia Judith Geveso, Junior City Mayor at Youth Leader Ian Jay Sapitula, at Kidapawan City Federation of Barangay Children Association KCFBCA President Alima Usria Camsa, mga Barangay Officials, Children Development Workers, at iba pang sektor.

Tampok din sa aktibidad ang awarding para sa apat na mga Outstanding Barangay Council for the Protection of Children o BCPC sa Kidapawan City.

Kinabibilangan ito ng Barangay Kalasuyan (82% Functional Rating/First Place – P20,000 cash incentive), Barangay Paco (81% Functional rating/Second Place – P15,000 cash incentive), Barangay Ginatilan at Barangay Linangkob (80% Functional Rating/Third Place – P7,500 cash incentive. (CIO-jscj//if//nl)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio