KAHILINGAN NI CITY MAYOR JPME NA MAGTAYO NG CIVIL REGISTRY SYSTEM SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN SUPORTADO NG RDC 12, NEDA

You are here: Home


NEWS | 2022/12/16 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 15, 2022) – POSITIBO ang naging tugon ng Regional Development Council o RDC 12 (SOCCSKSARGEN Region) sa liham ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa (Oct 4, 2022) RDC 12 at Philippine Statistics Authority (PSA) na humihiling na mapalagyan ng Civil Registry System o CRS Outlet ang lungsod.
Sa naturang liham, inilahad ng alkalde ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mahahalagang dokumento tulad ng birth certificates, death certificates, marriage contracts, and certificate of no marriage at ito ay matutugunan sa pamamagitan ng CRS Outlet.
Sa sulat-tugon naman na ipinadala ni dating RDC 12 Acting Chairperson Teresita Socorro Ramos (Nov. 29, 2022), ipinahayag nito ang buong suporta sa layunin ni Mayor Evangelista kung saan sinabi niyang angkop ang naturang kahilingang maglagay ng CRS Outlet o “Serbilis” Center sa priority Programs and Projects (PAPs) at Governance Institutions Development (GID) ng RDC12.
Kaugnay nito, isang exploratory meeting (Zoom videoconference) ang ginanap sa pagitan ng City Government of Kidapawan, RDC 12, at PSA noong Dec 9, 2022 kung saan tinalakay ang mahahalagang bagay patungkol sa planong CRS Outlet.
Sa pulong, inilahad ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ni Mayor Evangelista ang proposal para sa Civil Registry System o “Serbilis” Center at ang pagtatayo nito sa unang quarter ng 2023. Suportado din ng alkalde ang hakbang ng PSA 12 na itayo ang CRS o ”Serbilis” Center sa mismong PSA Building sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City.
Sa panig naman ng PSA, sinabi nitong bahagi ng kanilang Unisys ang CRS Outlet at kapag naaprubahan na ang disenyo nito ngayong buwan ay agad sisimulan ang konstruksiyon at magtatagal ng hindi lalagpas ng 60 araw. Nais din ng PSA na palakasin ang impormasyon patungkol sa pagtatayo ng pasilidad, gawing online appointment ng CRS at magbibigay ang PSA ng timetable kung kailan ilulungsad ang CRS sa lungsod.
Napagkasunduan din nila na ang Kidapawan City ang siyang mangangasiwa sa inagurasyon at iba pang aktibidad kaugnay sa pagbubukas ng CRS o ”Serbilis” Center.
Samantala, maliban sa issuance ng birth, marriage, at death certificate at authentication ng mga ito, CENOMAR, CEMAR, CENODEATH, at Marriage Advisory ay pasok din sa serbisyo ng CRS ang Premium Annotation, Viewable Transaction Online, Document Printing, at Integration of Services with other government agencies and partners tulad ng GSIS, PhilHealth, SSS, at DFA.
Una ng napalagyan ng Civil Registry System at naging operational na ngayong 2022 ang Rizal, Virac, Romblon, at Maasim.
Sa 2023 (1st quarter) naman ay pinagsisikapan ng itayo ang CRS sa Antique, Isabela, Kalinga, Capiz, Borongan, Bulacan, Quirino, Sulu, Mamburao, Prosperidad, Davao Oriental, at Kidapawan.
Susunod naman ang iba pang lugar sa bansa sa 2nd, 3rd at 4th quarter ng 2023 hanggang 2024. (CIO-jscj//if)
Jimmy
use logo of PSA, RDC12, City Govt of Kid
Jimmy
Jimmy Sta Cruz
maghingi ako pics ng zoom meeting ni mayor while naga meeting



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio