MGA OFW AT KANILANG PAMILYA SAMA-SAMANG NAGDIWANG NG FAMILY DAY KASAMA ANG ILANG OPISYAL MULA SA OWWA12

You are here: Home


NEWS | 2022/12/22 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 22, 2022) – SA temang “Matatag na Pamilya ng Makabagong Bayaning Pilipino Katuwang sa Pag-unlad ng Bawat Isa” ay ipinagdiwang ng mga miyembro ng United Migrant Workers and Family Federation, Inc o UMWFFI ang kanilang family day sa City Gymnasium ngayong araw na ito ng Huwebes, December 22, 2022.Layon ng Family Day na magsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng samahan at ipadama ang diwa ng Pasko sa isa’t-isa at mas palakasin pa ang kanilang ugnayan sa bawat isa, ayon kay UMWFFI President Ira Vellente.Dumalo sa okasyon sina Lavina Corpuz, Family Welfare Officer ng OWWA 12 at Jeanette Escano, Regional Coordinator ng National Reintegration Center for OFW, DMW na kapwa nagpahayag ng suporta sa mga OFW at nanawagan na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng asosasyon.Tinawag din nilang mga makabagong bayani ang mga OFW na ginagawa ang lahat para sa naiwang pamilya at sa malaking kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng bansa.Nakiisa din sa aktibidad ang tanggapan ng Public OFW Desk Office o PODO sa pangunguna ni PODO Officer Aida Labina.Sinabi ni Labina na mahalaga ang araw na ito para sa mga OFW at kanilang pamilya dahil maipapakita nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsusulong ng kanilang adhikain sa tulong ng pamahalaan.Nagbigay naman ng mahalagang mensahe para sa mga OFW si City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chair ng SP Committee on Women, Children, Family and Gender Equality kung saan binigyang-diin niya ang suporta ng City Government of Kidapawan sa UMWFFI.Sa kabilang dako, dumalo din si City Councilor Jason Roy Sibug, SP Committee Chair on Public Utilities at pinasalamatan nito ang mga OFW sa kanilang pagsisikap hindi lamang para sa pamilya kundi para sa buong pamayanan.Ikinatuwa rin ng UMWFFI ang presensiya ni Cotabato Provincial Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza sa Family Day kung saan pinasalamatan niya ang samahan sa patuloy na pagsisikap para matamo ang kaunlaran.Samantala, magandang balita naman ang hatid ni PODO Labina at ito ay ang ligtas na pagpapauwi ngayong buwan ng Disyembre 2022 sa isang distressed OFW (Domestic Helper) mula sa Kidapawan City na si Marsha Love Anabeza matapos na magkaproblema ito sa HongKong noong 2019.Ginawa ng PODO ang lahat ng legal na paraan at nakipagkoordinasyon sa mga concerned agencies tulad ng Department of Migrant Workers (DFW), Overseas Workers Welfare in Administration (OWWA), Philippines Overseas Employment Administration (POEA), Philippine Embassy at iba pa upang matulungan si Anabeza hanggang tuluyan siyang napauwi.Sinabi ni Labina na layon ng PODO at ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na tulungan ang mga nagkakaproblemang OFW mula sa lungsod sa pamamagitan ng mabilis o maagap na pagkilos kasama ang mga nabanggit na ahensiya. (CIO-jscj//if//nl)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio