Month: December 2022

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 19, 2022) – INAANYAYAHAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang lahat ng mamimili sa gaganaping “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” na gaganapin sa December 21, 2022.

Tampok sa isang araw na aktibidad ang pagbebenta ng bigas at ng mga sariwa at iba’t-ibang mga gulay, prutas, isdang tilapia na produkto ng mga magsasaka sa lungsod at iba pang locally produced food products o pagkaing gawa sa Kidapawan City na mabibili sa mas murang halaga.

Layon ng “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” na magbigay ng alternatibong mabibilhan ang mga mamimili ng produktong pagkain sa mas murang halaga at mabigyan din ng pagkakataon na kumita ang mga local farmers at food producers ng lungsod ngayong panahon ng Kapaskuhan, sinabi ni Mayor Evangelista.

Gaganapin ang “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” sa Mega Tent ng City Hall sa tabi ng City Gymnasium mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, dagdag pa ng alkalde.

Maliban sa pagbebenta ng mga produktong nabanggit ay highlight din ng “Luntiang Pamasko Gikan sa Mag-uumang Kidapawenyo” ang Memorandum of Agreement o MOA Signing sa pagitan nina Mayor Evangelista, City Agriculturist Marissa Aton at ng National Food Authority o NFA para sa Marketing Support ng mga produktong pagkain na nagmumula sa Kidapawan City.##(CMO-CIO-City Agri)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 19, 2022) – APAT na mga benepisyaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program ng Dept of Social Welfare and Development Office o DSWDO ang nakatanggap ng tig-P90,000 o kabuong halaga na P36,000 na financial assistance. Ito ay kinabibilangan nina Jalyn Pinantao ng Brgy Kalasuyan na naging worker sa Metro Manila, Reymund Polinar ng Barangay Kalasuyan, isa ring worker sa Davao City, April Garcia ng Barangay Binoligan, naging worker sa Cebu City, at Cesar Doblas ng Barangay Sudapin na nagtrabaho din sa Cebu City. Lahat sila ay matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic nitong nakalipas na dalawang taon at nagdesisyong umuwi o bumalik sa Lungsod sa Kidapawan sa tulong ng DSWD Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program o BP2, ayon kay Daisy P. Gaviola, City Social Welfare and Development Officer ng Kidapawan. Sa pamamagitan ng Executive Order o EO No. 114, ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan partikular na ang mga taga ibang lungsod o probinsya na nagtatrabaho sa Metro Manila at iba pang lungsod tulad ng Cebu at Davao at naapektuhan ng COVID-19. Mga low-income workers o low-salaried employees na nawalan ng trabaho at nakaranas ng matinding hirap sa Metro Manila at iba pang lungsod ang target mabigyan ng ayuda sa ilalim ng BP2 Program sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit o LGU. Kabilang din sa mga konsiderasyon upang mabigyan ng tulong ng BP2 Program ang isang mangagawa ay ang mga sumusunod: nagdesisyon ang pamilya nito na umuwi o bumalik na lamang sa probinsya, napatunayang nawalan ng trabaho (lay-off, company shut down/stop operations), hindi ligtas na tirahan o kapaligiran at exposure sa sakit o karamdamang dulot ng COVID-19 sa mismong lugar na tinitirahan, …

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 16, 2022) – GINAWARAN ng Seal of Good Local Governance o SGLG ang Lungsod ng Kidapawan para sa taong 2021.
Ito na ang ika-limang taon na nabigyan ng SGLG Award ang Kidapawan City (2016, 2017, 2018, 2019, at 2021) kung saan matagumpay na naipasa at nakakuha ng mataas na marka ang lungsod sa mga criteria na itinakda ng Department of Interior and Local Government o DILG para sa lahat ng mga LGUs sa buong bansa.
Kabilang dito ang Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and Arts, at Youth Development.
Si dating Kidapawan City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Representative Joseph A. Evangelista ang tumanggap ng plaque sa Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Hotel.
Kasama niyang tumanggap ng parangal si Assistant City General Service Officer Engr. Francisco Tanaid at DILG Cotabato Provincial Director Abdullah Ali.
Patunay lamang ang SGLG Award: Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal na namumukod-tangi ang Lungsod ng Kidapawan at patuloy na pinaglilingkuran ng mga opisyales nito ang mga mamamayan ng buong puso’t at hangad ang tagumpay ng bawat sektor ng pamayanan. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 16, 2022) – MULING nagtagumpay ang City Government of Kidapawan sa larangan ng Local Project Implementation and Monitoring. Ito ay matapos na gawaran ng Dept. of Interior and Local Government o DILG ang City Government of Kidapawan bilang isa sa mga awardees ng 2022 SUBAYBAYANI Special Awards for Notable Performance in Support to Barangay Development Program o SBDP.Iginagawad ang SUBAYBAYANI Special Award sa mga Local Government Unit o LGU na mayroong mahusay at maaasahang personnel o focal person na siyang mangangasiwa at sumusubaybay sa pagpapatupad ng mga proyektong napailalim sa SUBAYBAYANI program ng DILG.Sa liham ni DILG Undersecretary Marlo Iringan, sinabi niyang isa ang City Government of Kidapawan sa ilalim ng administrasyon ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa mga namumukod-tangi at may maayos na implementasyon ng infrastructure projects bukod pa sa kinakitaan ng transparency at accountability sa tulong ng mga nakatalagang personnel o focal person mula sa Office of the City Engineer.Kaugnay nito, tinanggap ni Simpatico Gabrinez II, focal person ng Office of the City Engineer ang plaque ng 2022 SUBAYBAYANI Special Award o parangal Awarding Ceremony na ginanap sa Cocoon Boutique Hotel, Quezon City, nito lamang December 12, 2022. May lagda ni DILG Secretary Atty Benjamin Abalos, Jr ang naturang parangal na nadagdag naman sa mga awards and recognitions na iginawad ng DILG sa City Government of Kidapawan. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 15, 2022) – POSITIBO ang naging tugon ng Regional Development Council o RDC 12 (SOCCSKSARGEN Region) sa liham ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa (Oct 4, 2022) RDC 12 at Philippine Statistics Authority (PSA) na humihiling na mapalagyan ng Civil Registry System o CRS Outlet ang lungsod.
Sa naturang liham, inilahad ng alkalde ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mahahalagang dokumento tulad ng birth certificates, death certificates, marriage contracts, and certificate of no marriage at ito ay matutugunan sa pamamagitan ng CRS Outlet.
Sa sulat-tugon naman na ipinadala ni dating RDC 12 Acting Chairperson Teresita Socorro Ramos (Nov. 29, 2022), ipinahayag nito ang buong suporta sa layunin ni Mayor Evangelista kung saan sinabi niyang angkop ang naturang kahilingang maglagay ng CRS Outlet o “Serbilis” Center sa priority Programs and Projects (PAPs) at Governance Institutions Development (GID) ng RDC12.
Kaugnay nito, isang exploratory meeting (Zoom videoconference) ang ginanap sa pagitan ng City Government of Kidapawan, RDC 12, at PSA noong Dec 9, 2022 kung saan tinalakay ang mahahalagang bagay patungkol sa planong CRS Outlet.
Sa pulong, inilahad ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ni Mayor Evangelista ang proposal para sa Civil Registry System o “Serbilis” Center at ang pagtatayo nito sa unang quarter ng 2023. Suportado din ng alkalde ang hakbang ng PSA 12 na itayo ang CRS o ”Serbilis” Center sa mismong PSA Building sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City.
Sa panig naman ng PSA, sinabi nitong bahagi ng kanilang Unisys ang CRS Outlet at kapag naaprubahan na ang disenyo nito ngayong buwan ay agad sisimulan ang konstruksiyon at magtatagal ng hindi lalagpas ng 60 araw. Nais din ng PSA na palakasin ang impormasyon patungkol sa pagtatayo ng pasilidad, gawing online appointment ng CRS at magbibigay ang PSA ng timetable kung kailan ilulungsad ang CRS sa lungsod.
Napagkasunduan din nila na ang Kidapawan City ang siyang mangangasiwa sa inagurasyon at iba pang aktibidad kaugnay sa pagbubukas ng CRS o ”Serbilis” Center.
Samantala, maliban sa issuance ng birth, marriage, at death certificate at authentication ng mga ito, CENOMAR, CEMAR, CENODEATH, at Marriage Advisory ay pasok din sa serbisyo ng CRS ang Premium Annotation, Viewable Transaction Online, Document Printing, at Integration of Services with other government agencies and partners tulad ng GSIS, PhilHealth, SSS, at DFA.
Una ng napalagyan ng Civil Registry System at naging operational na ngayong 2022 ang Rizal, Virac, Romblon, at Maasim.
Sa 2023 (1st quarter) naman ay pinagsisikapan ng itayo ang CRS sa Antique, Isabela, Kalinga, Capiz, Borongan, Bulacan, Quirino, Sulu, Mamburao, Prosperidad, Davao Oriental, at Kidapawan.
Susunod naman ang iba pang lugar sa bansa sa 2nd, 3rd at 4th quarter ng 2023 hanggang 2024. (CIO-jscj//if)
Jimmy
use logo of PSA, RDC12, City Govt of Kid
Jimmy
Jimmy Sta Cruz
maghingi ako pics ng zoom meeting ni mayor while naga meeting

thumb image

In accordance with the Memorandum Circular No. 2022-0051- “Use of VaxCertPH and Alternative Documentation”, we would like to inform all Local Vaccination Operations Centers (LVOCs), Implementing Units and Vaccination Sites to advise the public on how to avail acceptable proof of COVID-19 vaccination for the time being due to technical issues recently reported in the DICT systems.
From the Department of Health – Center for Health Development SOCCSKSARGEN Region

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 15, 2022) – BILANG bahagi ng kanilang aktibidad ngayong buwan ng Disyembre ay isinagawa ng mga Persons with Disability o PWD sa Kidapawan City ang kanilang General Assembly ngayong araw na ito ng Huwebes, Disyembre 14, 2022. Ito ay ayon kay Daisy P. Gaviola, RSW, ang City Social Welfare and Development Officer ng Lungsod ng Kidapawan na siyang nangasiwa sa nabanggit na aktibidad.Sa pagpupulong ay ibinahagi ni Gaviola sa mga PWD ang kahalagahan ng Republic Act o RA 10070 – An Act Establishing an Institutional Mechanism to Ensure the Implementation of Programs and Services for Persons with Disabilities in every Province, City and Municipality na siyang batayan ng mga programang ipinagkakaloob sa mga PWD.Sinundan ito ng nominasyon para sa aplikasyon sa pagiging opisyal ng Persons with Disability Affairs Office o PDAO at pagsusumite ng pangalan ng napili o nominated PWD sa Local Selection Board of PWD.Panghuli sa aktibidad ay ang payout o pamamahagi ng kanilang monthly stipend na nagkakahalaga ng P500 bawat buwan o kabuoang P3,000 mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2022.Abot sa 216 ang mga PWD na nasa talaan ng CSWDO kung saan 182 ang nakatanggap ng benepisyo habang may 34 na miyembro ang hindi nakarating sa asembliya at inaasahang makukuha ang halaga sa araw na itatakda ng CSWDO para sa kanila.Naging natiwasay naman ang asembliya at ang pamamahagi ng benepisyo para sa sektor ng PWD sa pangunguna ng CSWDO. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

CITY Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista gave his all-out support to the delegation representing Kidapawan City for the Batang Pinoy National Championships to be held on December 17-21, 2022 at Vigan Ilocos Sur.
The athletes and their coaches paid a courtesy visit to Mayor Evangelista prior to joining the competition on December 14, 2022.
They are all competing in the different swimming events of the said athletic meet.
They come from the different private and public elementary schools in the city.
The Kidapawan City Team is composed of: Felix D. Alemania and Gabriel D. Respicio (Baptist Heritage Academy), One T. Dela Cruz (Northwest School), Marietta Nathalie E. Varona (KCNHS), Fiah Zoeleen S. Padonia, Adrianne Audrey O. Caoagdan, Margarette Julianna Dapal(KCPES), Catriana Theresse M. Gasmin ( NDKC-IBED) and Angela Jane E. Perez (Montessori)
Also included in the Kidapawan City Batang Pinoy Swimming Team are coaches Benito Rebong, Jr, Richard Padonia and Arnie Rose Embrado(Chaperon)
Heading the Kidapawan City Delegation for the Batang Pinoy National Championship are Ramil Deldo and Joan Castellano.
In behalf of the City Government of Kidapawan, we wish all the athletes, coaches and officials’ good luck for the 2022 Batang Pinoy National Championships. (CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 13, 2022) – NAKATANGGAP ng tulong ang abot sa 33 pamilyang nabiktima ng sunog sa Lungsod ng Kidapawan mula sa opisina ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.
Ginawa ang pamamahagi ng financial assistance ngayong araw na ito ng Martes, Disyembre 13, 2022 sa Senior Citizens Wellness Hub kung saan masayang tinanggap ng mga pamilya ang naturang ayuda mula sa senador.
Sa bilang na 33 pamilya ay 31 ang totally damage na tumanggap ng tig-P10,000 at 2 ang partially damage na tumanggap naman ng tig-P5,000, ayon kay Daisy Perez, ang City Social Welfare and Development Officer ng Kidapawan.
Matatandaang ilang insidente ng sunog ang naganap sa lungsod parikular na sa Purok Guava ng Brgy Poblacion, Brgy Singao, Brgy Perez, Brgy Kalasuyan, at iba pa kung saan naninirahan ang mga biktima.
Maayos namang naisagawa ang releasing at distribution ng ayuda sa pamamagitan ng mga staff ng opisina ni Sen. Go na sina Alabel Repollo, Karen Cloribel, at Mark Singanon. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 13, 2022) – MADADAGDAGAN pa ang kakayahan ng mga kasapi ng Kidapawan City OFW Federation, Inc. o KCOFWI pagdating sa livelihood at income-generating project.
Ito ay sa ginaganap na 2-day Community-Based Training mula Dec. 13-14, 2022 tampok ang bread and pastries making sa City Pavilion.
Bahagi ito ng skills training na ibinibigay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga indibidwal o grupo na tulad ng KCOFI na nais pang mapaangat ang kakayahan ng kanilang mga kasapi.
Una ng nakipag-ugnayan ang KCFOI sa Public Employment Service Office o PESO Kidapawan na tulungan isagawa ang bread and pastries making kaya inirekomenda ng huli ang pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad, ayon kay PESO Manager Herminia Infanta.
Abot sa 103 miyembro ng KCFOI ang kalahok sa 2-day training at inaasahang makakapagsimula ng maliit na negosyo taglay ang natutunan sa bread and pastries, ayon kay Andrea Alvarez, presidente ng KCOFI.
Mula naman sa Provincial Training Center na nakabase sa Pigcawayan, Cotabato ang mga nagbigay ng kaalaman sa mga OFW-participants. (CIO-jscj//if//nl)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio