NEWS | 2023/01/05 | LKRO
SINIMULAN NA ng city government of kidapawan sa pamamagitan ng ibat-ibang departamento nito ang electronic business one-stop-shop o e-boss ngayong Enero 2023.
Sa pamamagitan ng e-boss ay mas madali at mas mabilis ang proseso ng mga kinakailangang dokumento tulad ng sedula, health sanitary certification, fire safety, clearances, at iba pang kinakailangang papeles upang makakuha o makapag renew ng business permits and license.
Ito ay dahil sa pinag-isa na lamang ng city government of kidapawan ang lahat ng mga opisina na nagpro-proseso ng mga dokumento sa pagkuha at renewal ng business permits at licences sa loob ng city gymnasium mula Enero 3 hanggang Enero 20, 2023.
Makikita doon ang mga regulatory offices tulad ng Business Permit and Licensing Office o BPLO, City Treasurer’s Office o CTO, City Assessor’s Office o CAO, City Health Office o CHO, City Planning and Development Office o CPDO at City Environment and Natural Resources Office o CENRO, at iba pang opisina kasama ang Bureau of Fire Protection o BFP, Department of Trade and Industry o DTI at mga sangay ng gobyernong naatasan pabilisin ang proseso ng application o renewal ng business permits,magparehistro sa DTI, at maging ang pag renew ng rehistro ng tricycle.
May mga lamesang inilaan ang City Government of Kidapawan mula sa unang hakbang o pag-fill out ng mga forms hanggang sa pagtatapos ng proseso o releasing or receiving of permits and licenses ng mga kliyente.
Tiniyak naman ni Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na mabibigyan ng sapat at kaukulang serbisyo ang mga mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng E-BOSS kung hindi na nila kailangang magpalipat-lipat pa ng tanggapan para mag proseso ng kinakailangang dokumento.
Kaugnay nito hinimok niya ang mamamayan na samantalahin ang oportunidad na ito o ang 18 araw na inilaan para sa serbiyo ng E-boss.
Pinasalamatan din ng alkalde ang mga mamamayan o kliyenteng maagap na pumila at nagsimula ng mag asikaso at ayusin ang kanilang aplikasyon at renewals para sa taong 2023. Nananawagan din siya na pairalin pa rin ang minimum health protocols upang makaiwas at manaitiling ligtas laban sa COVID-19.
Para sa Luntian Reports ako si Jimmy Sta Cruz ng sa City Information Office, nag-uulat.