NEWS | 2023/01/11 | LKRO
KIDAPAWAN CITY(Enero 10,2023)-MASAYA ang pagsalubong sa Bagong Taon ng mga magsasaka mula sa Kidapawan City.Ito ay matapos silang makatanggap ng financial assistance o ayuda mula sa Department of Agriculture o DA12 bilang bahagi ng Rice Tarrification Law na laan para sa mga magsasaka.Abot sa 705 na mga magsasaka ang pumila sa Mega Tent sa City Plaza para sa nabanggit na distribusyon kung saan P5,000 ang tinanggap ng bawat isa o kabuoang halaga na P3,525,000 na ayuda.Sinabi ni Marites Aton,ang City Agriculturist ng Kidapawan na malaking tulong ito para sa naturang bilang ng mga farmers lalo pa’t nakaranas ang mga ito ng negatibong epekto ng pandemiya ng COVID19 kung saan humina ang kanilang produksyon at nabawasan ang kinikita.Angkop din ito sa ipinatutupad na food stability and sustainability program ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kung saan binibigyan ng malaking pansin ang agrikultura upang makabawi ang mga magsasaka mula sa iba’t-ibang krisis.Kaya naman inaasahang matugunan ng naturang financial assistance ang ilan sa mga hinaing ng local farmers at magbigay-daan sa paglago muli ng kanilang mga kita.