NEWS | 2023/01/11 | LKRO
Hindi na mamimilegro ang mga batang mag-aaral ng Habitat Elementary School na tatawid pa ng ilog mula sa kanilang tahanan sa Gawad Kalinga Village papunta sa eskwela at pauwi kapag may malakas na ulan dahil madadaanan na ang tulay na nag-uugnay sa kanilang pamayanan at paaralan.
Labis ang pagpapasalamat ng mga bata at ng kanilang mga magulang at guro dahil wala na ang kanilang kintatakutan na panganib papunta sa eskwela at pauwi ng bahay.
Dati ay hindi na tinatapos ng mga estudyante ang klase kapag umuulan dahil kailangan na nilang tumawid sa ilog upang banayad na makauwi ng bahay bago pa man darating ang malakas na agos ng tubig-baha. Palipat-lipat at lukso ang ginagawa ng mga ito sa mga malalaking bato para lang makatawid habang ang iba ay nadudulas pa at nahuhulog sa tubig sapa.
Dahil nito kaagad tinapos ng City Government ang proyekto sa loob lamang ng dalawang buwan.Hindi lamang nito ginawang madali ang pagtungo sa naturang paaralan, subalit pinapanatag din nito ang kalooban ng mga guro, at mga magulang para sa mga estudyante na noo’y araw-araw tumatawid sa ilog kahit na may nagbabadyang sungit ng panahon.