NEWS | 2023/01/11 | LKRO
KIDAPAWAN CITY(Enero 10,2022)-MATAPOS gamitin bilang dekorasyon ay muling mapapakinabangan ang abot sa 2,200 plastic bottles na inilagay sa higanteng Christmas tree nitong nakaraang pasko.
Ito ay makaraang sumailalim sa shredding ang naturang bilang ng plastic bottles at gagawing bahagi o component sa paggawa ng eco-bricks.
Ginawa ng shredding o paggiling ng mga plastic bottles sa harapan ng City Hall ngayong araw na ito ng Martes,Enero 10,2023 sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources o CENRO gamit ang isang multi-purpose shredder machine.
Ayon sa CENRO,bahagi uto ng recycling project upang mapakinabangan ang mga plastic bottles at iba pang materials sa paggawa ng bricks tulad ng crushed glass bottles at semento sa halip na itapon at maging basura na lamang.
Makakagawa naman ng abot sa 2,000 eco-bricks ang CENRO mula sa 2,200 plastic bottles na sumailalim sa shredding kung saan puwede gamitin sa residential o commercial purpose.
Nitong nakalipas na taon ng 2022,bumili ang City Government of Kidapawan ng ilang mga machinery and equipment para sa pagsusulong ng Three R’s ang Reduce,Reuse at Recycle kung saan target na gamitin ang mga plastic materials para sa paggawa ng eco-bricks at mabawasan ang volume o dami ng basura sa lungsod.