Day: January 3, 2023

You are here: Home


thumb image

Ang matipid at mahusay na paggamit ng pondo ng pamahalaan ay isang tunay na sukatan ng pagiging tapat, malasakit, at kabutihang loob ng isang pinuno.
Ito ang pinatunayan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na sa kanyang kauna-unahang termino bilang alkalde ay nagpatupad ng mga hakbang na magsusulong ng kabutihan hindi lamang ng mamamayan kundi ang pagkakaroon ng maayos na pamamalakad ng local na pamahalaan.
Kaya naman kinilala ngayon at hinahangaan sa buong Pilipinas ang alkalde at ang Lungsod ng Kidapawan dahil sa nakamit nitong parangal mula sa Department of Energy o DOE. Ito ang 2022 Energy Efficiency Excellence Award na iginawad mismo ni Energy Secretary Raphael Lotilla kay Mayor Evangelista ilang araw bago sumapit ang Pasko. Sa pangunguna ng alkalde ay naipatupad ang iba’t-ibang paraan at inisyatiba upang makatipid sa paggamit ng kuryente at gasoline sa hanay ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng kuryente ay nagawang magtipid ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ng abot sa 17,805kWH ng kuryente at abot sa 56,822 litro ng gasoline at ito ay sa mahusay na pamamahala ni Mayor Evangelista at kooperasyon ng mga manggagawa sa bawat departamento. Isang Certificate of Excellence mula sa Department of Energy ang iginawad kay Mayor Evangelista bilang pagkilala sa nagawang ito.
Ito naman ay sa pamamagitan ng tamang oras sa paggamit ng air-conditioning units, computers, laptops at iba pang electrical devices o kagamitang de-kuryente nap ag-aari ng local na pamahalaan. Ipinatupad din ang tinatawag na Global Positioning System o GPS sa mga sasakyan ng pamahalaan upang matingnan at malaman ang mga biyahe o destinasyon ng mga sasakyan ng pamahalaan. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng mga Light Emitting Diode o LED na mga bombilya at solar lights na kumukuha ng anerhiya mula sa init ng araw kaya’t napakatipid.
Naniniwala ang alkalde na hindi magiging hadlang ang pagtitipid at wastong paggamit ng resources tulad ng kuryente at gasoline upang makapagbigay ng maayos, mahusay, at matiwasay na serbisyo ang LGU. Para sa kanya, ito ay isang hakbang upang ipakita sa lahat ang mabuting nagagawa ng pagtitipid ng resources ganundin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa pagdating sa wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Tunay na hinangaan ng DOE at ng sambayanan ang nagawang ito ni Mayor Evangelista na sa kabila ng pagiging batang lider at kauupo lamang sa puwesto ay nakagawa na ng mga bagay na magiging basehan o modelo ng kahit sino pa man glider na tulad niya. Kaya naman lumikha ng marka sa larangan ng mabuting pamamahala si Mayor Evangelista at kaugnay nito, hinikayat niyang muli ang mga mamamayan lalo na ang mga manggagawa ng gobyerno na laging pairalin ang tamang gawain at laging unahin ang kapakanan ng mamamayan. (CIO-jscj//pb//if)ALAAN
Ang matipid at mahusay na paggamit ng pondo ng pamahalaan ay isang tunay na sukatan ng pagiging tapat, malasakit, at kabutihang loob ng isang pinuno.
Ito ang pinatunayan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na sa kanyang kauna-unahang termino bilang alkalde ay nagpatupad ng mga hakbang na magsusulong ng kabutihan hindi lamang ng mamamayan kundi ang pagkakaroon ng maayos na pamamalakad ng local na pamahalaan.
Kaya naman kinilala ngayon at hinahangaan sa buong Pilipinas ang alkalde at ang Lungsod ng Kidapawan dahil sa nakamit nitong parangal mula sa Department of Energy o DOE. Ito ang 2022 Energy Efficiency Excellence Award na iginawad mismo ni Energy Secretary Raphael Lotilla kay Mayor Evangelista ilang araw bago sumapit ang Pasko. Sa pangunguna ng alkalde ay naipatupad ang iba’t-ibang paraan at inisyatiba upang makatipid sa paggamit ng kuryente at gasoline sa hanay ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng kuryente ay nagawang magtipid ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ng abot sa 17,805kWH ng kuryente at abot sa 56,822 litro ng gasoline at ito ay sa mahusay na pamamahala ni Mayor Evangelista at kooperasyon ng mga manggagawa sa bawat departamento. Isang Certificate of Excellence mula sa Department of Energy ang iginawad kay Mayor Evangelista bilang pagkilala sa nagawang ito.
Ito naman ay sa pamamagitan ng tamang oras sa paggamit ng air-conditioning units, computers, laptops at iba pang electrical devices o kagamitang de-kuryente nap ag-aari ng local na pamahalaan. Ipinatupad din ang tinatawag na Global Positioning System o GPS sa mga sasakyan ng pamahalaan upang matingnan at malaman ang mga biyahe o destinasyon ng mga sasakyan ng pamahalaan. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng mga Light Emitting Diode o LED na mga bombilya at solar lights na kumukuha ng anerhiya mula sa init ng araw kaya’t napakatipid.
Naniniwala ang alkalde na hindi magiging hadlang ang pagtitipid at wastong paggamit ng resources tulad ng kuryente at gasoline upang makapagbigay ng maayos, mahusay, at matiwasay na serbisyo ang LGU. Para sa kanya, ito ay isang hakbang upang ipakita sa lahat ang mabuting nagagawa ng pagtitipid ng resources ganundin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa pagdating sa wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Tunay na hinangaan ng DOE at ng sambayanan ang nagawang ito ni Mayor Evangelista na sa kabila ng pagiging batang lider at kauupo lamang sa puwesto ay nakagawa na ng mga bagay na magiging basehan o modelo ng kahit sino pa man glider na tulad niya. Kaya naman lumikha ng marka sa larangan ng mabuting pamamahala si Mayor Evangelista at kaugnay nito, hinikayat niyang muli ang mga mamamayan lalo na ang mga manggagawa ng gobyerno na laging pairalin ang tamang gawain at laging unahin ang kapakanan ng mamamayan. (CIO-jscj//pb//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio