Month: January 2023

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 12, 2023) – NAGSISIMULA na ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa pagtanggap ng mga aplikasyon ng OWWA Scholarship Programs para sa mga anak ng OFW Kidapaweno at sa mga nasasaklaw nito.Mapalad ang mga magaaral anak ng mga Overseas Filipino Workers at kapatid ng mga single OFWs na papasok bilang 1st year college o freshmen ngayong School Year 2023-2024 dahil sa naturang inilahad na scholarship program.Dalawang scholarships ang inilaan para sa mga aplikante at ito ay ang Education fotr Development Scholarship Program o EDSP at Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP), ayon kay Aida Labina, ang Public OFW Desk Officer o PODO ng Kidapawan City.Ang tanggapan ng OWWA na ang pipili kung saang programa angkop o dapat maipasok ang makakapasang aplikante.Maaaring magpadala lamang ng kanilang application ang mga incoming freshmen o mag-aaral ng first year sa kolehiyo sa website na https://scholarship.owwa.gov.ph/.Pinaalalahan rin ang lahat na ang deadline ng submission of online application ay sa darating na January 32, 2023 at ang examination ay gagawin sa March 11-12, 2023.Kaya iniimbitahan ang mga aplikante na bumisita sa Public OFW Desk Office o PODO na nasa 3rd Floor ng City Hall of Kidapawan para sa karagdagang impormasyon na nais nilang malaman at sagot sa iba pang mga katanungan. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY(Enero 10,2023)-MASAYA ang pagsalubong sa Bagong Taon ng mga magsasaka mula sa Kidapawan City.Ito ay matapos silang makatanggap ng financial assistance o ayuda mula sa Department of Agriculture o DA12 bilang bahagi ng Rice Tarrification Law na laan para sa mga magsasaka.Abot sa 705 na mga magsasaka ang pumila sa Mega Tent sa City Plaza para sa nabanggit na distribusyon kung saan P5,000 ang tinanggap ng bawat isa o kabuoang halaga na P3,525,000 na ayuda.Sinabi ni Marites Aton,ang City Agriculturist ng Kidapawan na malaking tulong ito para sa naturang bilang ng mga farmers lalo pa’t nakaranas ang mga ito ng negatibong epekto ng pandemiya ng COVID19 kung saan humina ang kanilang produksyon at nabawasan ang kinikita.Angkop din ito sa ipinatutupad na food stability and sustainability program ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kung saan binibigyan ng malaking pansin ang agrikultura upang makabawi ang mga magsasaka mula sa iba’t-ibang krisis.Kaya naman inaasahang matugunan ng naturang financial assistance ang ilan sa mga hinaing ng local farmers at magbigay-daan sa paglago muli ng kanilang mga kita.

Kaugnay nito, sinabi ni Aton na maliban sa financial assistance mula sa DA ay naglalaan din ng pondo ang City Government of Kidapawan para sa iba pang uri ng ayuda tulad ng quality seeds distribution, fertilizer distribution,farm machinery,technical assistance at iba pa mula sa pundo nito at sa tulong na rin ng DA.

thumb image

Hindi na mamimilegro ang mga batang mag-aaral ng Habitat Elementary School na tatawid pa ng ilog mula sa kanilang tahanan sa Gawad Kalinga Village papunta sa eskwela at pauwi kapag may malakas na ulan dahil madadaanan na ang tulay na nag-uugnay sa kanilang pamayanan at paaralan.

Labis ang pagpapasalamat ng mga bata at ng kanilang mga magulang at guro dahil wala na ang kanilang kintatakutan na panganib papunta sa eskwela at pauwi ng bahay.

Dati ay hindi na tinatapos ng mga estudyante ang klase kapag umuulan dahil kailangan na nilang tumawid sa ilog upang banayad na makauwi ng bahay bago pa man darating ang malakas na agos ng tubig-baha. Palipat-lipat at lukso ang ginagawa ng mga ito sa mga malalaking bato para lang makatawid habang ang iba ay nadudulas pa at nahuhulog sa tubig sapa.

Dahil nito kaagad tinapos ng City Government ang proyekto sa loob lamang ng dalawang buwan.Hindi lamang nito ginawang madali ang pagtungo sa naturang paaralan, subalit pinapanatag din nito ang kalooban ng mga guro, at mga magulang para sa mga estudyante na noo’y araw-araw tumatawid sa ilog kahit na may nagbabadyang sungit ng panahon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY(Enero 10,2022)-MATAPOS gamitin bilang dekorasyon ay muling mapapakinabangan ang abot sa 2,200 plastic bottles na inilagay sa higanteng Christmas tree nitong nakaraang pasko.

Ito ay makaraang sumailalim sa shredding ang naturang bilang ng plastic bottles at gagawing bahagi o component sa paggawa ng eco-bricks.

Ginawa ng shredding o paggiling ng mga plastic bottles sa harapan ng City Hall ngayong araw na ito ng Martes,Enero 10,2023 sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources o CENRO gamit ang isang multi-purpose shredder machine.

Ayon sa CENRO,bahagi uto ng recycling project upang mapakinabangan ang mga plastic bottles at iba pang materials sa paggawa ng bricks tulad ng crushed glass bottles at semento sa halip na itapon at maging basura na lamang.

Makakagawa naman ng abot sa 2,000 eco-bricks ang CENRO mula sa 2,200 plastic bottles na sumailalim sa shredding kung saan puwede gamitin sa residential o commercial purpose.

Nitong nakalipas na taon ng 2022,bumili ang City Government of Kidapawan ng ilang mga machinery and equipment para sa pagsusulong ng Three R’s ang Reduce,Reuse at Recycle kung saan target na gamitin ang mga plastic materials para sa paggawa ng eco-bricks at mabawasan ang volume o dami ng basura sa lungsod.

thumb image

ISA ang mental health o ang maayos na emotional, psychological, at social well-being sa kailangang tutukan lalo na ngayong meron pa ring pandemiya ng COVID-19.
Kaya naman isang mental health checkup ang isinagawa sa City Health Office sa pangunguna ng Provincial Government of Cotabato sa pakikipagtulungan ng City Government of Kidapawan kung saan layon nito na matingnan ang kalagayan ng mga mamamayang nakaranas ng mental disorder at nangangailangan ng treatment o gamutan upang maging maayos ang kanilang pamumuhay.
Ayon kay Lucille Mae Q. Ortigas, Non-Communicable Disease Coordinator, ang aktibidad ay bahagi ng serye ng mental checkup para sa mga ordinaryong mamamayan mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod upang mabigyan ng karampatang atensyon at lunas sa kanilang mga taglay na kondisyon.
Si Dr. Esper Ann Juanir-Castaneda, isang Psychiatrist ang masusing nagsasagawa ng checkup o masinsinang tumitingin sa estado o kalagayan ng mga indibidwal na nakaranas ng mental disorder.
May mga nurses, midwives, at iba pang hospital staff mula sa Integrated Provincial Health Office o IPHO at CHO na nangangasiwa sa takbo ng consultation and assessmentng mga npasyente.
May angkop na mga gamot o mental health medications ang ibinibigay ng libre sa mga pasyente kabilang na ang mga oral at injectable medications upang magtuluy-tuloy ang kanilang paggaling.
Mahigit 50 indibidwal o pasyente naman ang nabigyan ng serbisyo ngayong araw na ito.
Marami ding mga mamamayan ang nakaranas ng stress, depression, at anxiety sa panahon ng COVID19 pandemic at nakaapekto ito sa takbo ng kanilang pag-iisip kaya’t mahalaga na matingnan ang kanilang kalagayan.
Kaya naman prayoridad ng pamahalaan ang kanilang tuluyang paggaling at kaligtasan upang tuluyang makapamuhay ng masaya kasama ang kanilang pamilya.
Para sa Luntian Kidapawan Reports, ako si Jimmy Sta Cruz ng City Information Office, nag-uulat.

thumb image

Nasa ikatlong araw na ngayon ang pagsasagawa ng Electronic Business One-Stop-Shop o Electronic BOSS SA Mega Market ng lungsod partikular sa Old Terminal kung saan naroroon ang mga lamesa ng iba’t-ibang tanggapan ng City Government of Kidapawan na nangangasiwa sa application o renewal ng business permit.
Layon ng Electronic -BOSS sa Mega Market na mabigyan ng prayoridad ang mga business establishments sa Mega Market ganundin ang mga nasa sa Overland Terminal ng Kidapawan, at mas mapabilis ang proseso sa pagkuha ng kanilang business permit, ayon kay City Treasurer Redentor Real.
Meron mga sinusunod na hakbang o steps sa pagproseso ng business permit kung saan nakahanda ang mga personnel o mga in-charge na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga business owners o kanilang mga representante.
Tiniyak din ng mga personnel na magiging matiwasay ang takbo ng mga papeles lalo na kung kumpleto ang mga kailangang ipakita o iprisinta sa pagkuha o renew ng business permit.
Isa naman si Ginang Rose S. Alqueza ng Mega Market Building 2 Stall No. 48 and 95 sa mga maagang nagtungo sa Old Terminal at natuwa sa maayos at mahusay na takbo ng renewal ng kanyang business permit.
Nanawagan din siya sa iba pang stall owners na magtungo na rin sa Electronic – BOSS sa Old Terminal at samantalahin ang panahon para sa mabilis na proseso ng kanilang business permit.
Maliban naman sa application at renewal ng business permit ay maaari ring kumuha ng Residence Certificate o sedula at magbayad ng Real Property Taxes ang mga kliyente o ang mga mamamayan.
Wala naman dapat ikabahala ang mga kukuha o magre-renew ng kanilang business permits pagdating sa seguridad dahil maliban sa Civil Security Unit o CSU ay nagro-roving din ang K-9 personnel ng Kidapawan City Police Station para tiyakin ang kaligtasan ng mga tax payers.
Magtatagal naman ang Electronic BOSS sa Mega Market hanggang Enero 20, 2023.
Para sa Luntian Kidapawan Reports ako si Jimmy Sta Cruz, mula sa City Information Office nag-uulat.

thumb image

Sinimulan na ngayong araw na ito ng Lunes, Enero 9, 2023 ang registration ng Special Program for the Employment of Students o SPES sa Lungsod ng Kidapawan.
Ang Public Employment Service Office o PESO Kidapawan ang nangangasiwa ng SPES registration sa PESO office, Pavilion, Kidapawan City na magtatagal hanggang Abril 21, 2023.
Ayon kay Public Service Officer III at PESO Manager Herminia Infanta, layon ng SPES na matulungan ang mga mahihirap o poor but deserving students – Grade 12, college students at maging ang mga out of school youth na 18-30 years old na residente ng Kidapawan City na magtrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa loob ng halos dalawang buwan.
Nakapaloob ito sa Republic Act No. 7323 – An Act to Help Poor but Deserving Students Pursue their Education by Encouraging Their Employment during Summer and/or Christmas Vacation at may kaukulang sweldo mula sa Department of Labor and Employment o DOLE at counterpart mula sa Local Government Unit tulad ng LGU Kidapawan.
Bilang SPES worker ay tatanggap sila ng minimum wage o higit pa bilang kaukulang sweldo.
Kaugnay nito, magbubukas ang tanggapan ng PESO mula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes mula January 9, hanggang April 21, 2023 upang tumanggap ng mga aplikasyon ng SPES.
Hinihikayat ng PESO ang mga interesadong mag-aaral at OSY na magtungo na sa kanilang tanggapan at magpatala na bilang aplikante ng SPES at antayin ang schedule o takdang araw ng kanilang examination sa Mayo 14, 2023 kung saan magiging basehan ito kung matatanggap ba o hindi ang isang aplikante para sa SPES. (CIO-jscj//if/nl)


thumb image

SINIMULAN NA ng city government of kidapawan sa pamamagitan ng ibat-ibang departamento nito ang electronic business one-stop-shop o e-boss ngayong Enero 2023.

Sa pamamagitan ng e-boss ay mas madali at mas mabilis ang proseso ng mga kinakailangang dokumento tulad ng sedula, health sanitary certification, fire safety, clearances, at iba pang kinakailangang papeles upang makakuha o makapag renew ng business permits and license.

Ito ay dahil sa pinag-isa na lamang ng city government of kidapawan ang lahat ng mga opisina na nagpro-proseso ng mga dokumento sa pagkuha at renewal ng business permits at licences sa loob ng city gymnasium mula Enero 3 hanggang Enero 20, 2023.

Makikita doon ang mga regulatory offices tulad ng Business Permit and Licensing Office o BPLO, City Treasurer’s Office o CTO, City Assessor’s Office o CAO, City Health Office o CHO, City Planning and Development Office o CPDO at City Environment and Natural Resources Office o CENRO, at iba pang opisina kasama ang Bureau of Fire Protection o BFP, Department of Trade and Industry o DTI at mga sangay ng gobyernong naatasan pabilisin ang proseso ng application o renewal ng business permits,magparehistro sa DTI, at maging ang pag renew ng rehistro ng tricycle.

May mga lamesang inilaan ang City Government of Kidapawan mula sa unang hakbang o pag-fill out ng mga forms hanggang sa pagtatapos ng proseso o releasing or receiving of permits and licenses ng mga kliyente.

Tiniyak naman ni Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na mabibigyan ng sapat at kaukulang serbisyo ang mga mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng E-BOSS kung hindi na nila kailangang magpalipat-lipat pa ng tanggapan para mag proseso ng kinakailangang dokumento.

Kaugnay nito hinimok niya ang mamamayan na samantalahin ang oportunidad na ito o ang 18 araw na inilaan para sa serbiyo ng E-boss.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga mamamayan o kliyenteng maagap na pumila at nagsimula ng mag asikaso at ayusin ang kanilang aplikasyon at renewals para sa taong 2023. Nananawagan din siya na pairalin pa rin ang minimum health protocols upang makaiwas at manaitiling ligtas laban sa COVID-19.

Para sa Luntian Reports ako si Jimmy Sta Cruz ng sa City Information Office, nag-uulat.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 3, 2022) – MULI na namang namayagpag ang City Government of Kidapawan matapos itong gawaran ng Most Outstanding LGU Award – Binhi ng Pag-Asa Program ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI12 para sa taong 2022. Nakamit ng City Government of Kidapawan ang parangal dahil sa mahusay na implementasyon ng programang Binhi ng Pag-Asa na laan naman para mga kabataang magsasaka o youth farmers sa lungsod. Iginawad ang naturang parangal sa Binhi ng Pag-Asa Program Provincial Youth Summit sa Amas Capitol Compound, Kidapawan City noong November 22, 2022 at pormal na tinanggap ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa Flag Raising Ceremony na ginanap sa City Hall Lobby ngayong araw na ito ng Martes, Enero 3, 2023. Maliban sa pagiging Most Outstanding LGU, tumanggap din ang City Government of Kidapawan ng dalawa pang parangal at ito ay ang Certificate of Appreciation para sa aktibong paglahok sa BPP Provincial Youth Summit 2022 (Nov 21-22, 2022) na may temang “YouthLEADS: Harnessing Youth Leadership in Entrepreneurship Towards Agricultural Development and Sustainability” at Certificate of Achievement matapos makamit ang 1st Place ng Documentary Making Contest – BPP Provincial Youth Summit (Daryll Flores – GITIB o Pag-usbong). Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, ang mga awards na ito ay nakamit dahil sa maayos at mahusay na implementasyon ng mga programang pang agrikultura para sa mga kabataang mag-sasaka o young farmers sa lungsod. Dagdag pa rito ang malaking suporta na ibinibigay ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa larangan ng agrikultura sa layuning palakasin ang food stability at sustainability at panatilihin ang maayos na kalusugan ng mga Kidapaweno. (CIO-jscj//if//nl)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio