KIDAPAWAN CITY (Enero 5, 2023)— Nakipagtulungan ngayon ang mga network sa Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan upang ipalaganap sa mga mamamayan na iparehistro na ang kanilang mga Subscriber Identity Modules o SIM card upang hindi aabutan ng deactivation. Sa bisa ng Republic Act 11934 o Sim Card Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr noong Oktubre 2022, ay mawawalan na ng saysay ang lahat ng SIM card na hindi marerehistro umpisa ngayong pangalawang sangkapat ng taong 2023. Maliban pa nito ay may mabigat na kaparusa at multa ang mga sinomang hindi magpaparehistro ng kanyang sim card ng walang katanggap tanggap na dahilan, ayon sa naturang batas.
Ang Globe Telecom network ay naglagay ng mga sim registration roll-up sa mga mataong lugar ng lungsod katulad ng city hall lobby, mega market at overland terminal. Mayroon din umano silang inilagay sa Gaisano Grand Mall upang kaagad na makita ng mga shoppers. Mayroon itong QR Code na babasahin lang ng QR reader ng bawat android o IOS smartphone para sa mga hakbang na susundin upang maging ganap ang pag rehistro ng sim.
Ang ibang mga network naman ay nagsagawa ng text blasting sa mga gumagamit ng kanilang signal sa pamamagitan ng isang link upang pipindutin lamang at magsisimula na ang registration process.
Layunin ng SIM Card Registration Act na magkakaroon ng pagkakilanlan ang bawat SIM card sa bansa upang hindi na ito maging kasangkapan sa mga kriminal na gawain katulad ng extortion, pananakot, terorismo at iba pa.
CIO Kidapawan
LIBRENG FULL-FACE HELMET AT BIGAS MULING IPINAMAHAGI SA OPLAN DAKOP NG CITY GOVBERNMENT OF KIDAPAWAN
Nagpatupad muli ng oplan dakop ang composite team na binubuo ng traffic management enforcement unit o tmeu at kidapawan city police station o kcps ngayong araw na ito ng miyerkules enero 4, 2023 sa kahabaan ng highway sa barangay magsaysay, kidapawan city.
Tulad ng dati, pinatigil nila ang mga bumibiyaheng motorista at tricycle drivers at hinanapan ang mga ito ng kaukulang driverβs license, dokumento o papeles bilang bahagi ng oplan dakop.
Kinabahan naman ang maraming drivers lalo na ang mga walang driverβs license kulang ang mga dokumento, expired ang or/cr at iba pa dahil malaking penalidad ang kanilang babayaran lalo na sa violation ng no helmet, no travel policy na abot sa limang libong piso.
Pero laking sorpresa para sa mga motorista at tricycle drivers ang nangyari. sa halip kasi na hulihin ang mga may violation ay pinaalalahanan lamang sila at hindi binigyan ng citation ticket. ipinaalam din sa kanila na anumang araw ngayong buwan ng enero 2023 ay ipatutupad na o full implementation na ng no helmet no travel policy.
samantala, ang mga may kompletong dokumento tulad ng o.r. at c.r., may driverβs license at maayos na kondisyon ang sasakyan ay binigyan ng brand-new full-face helmet mula sa city government of kidapawan.
Makailang beses ng nagpatupad ng oplan dakop β luntiang pamaskong handog nitong nakaraang buwan ng disyembre at sa halip na hulihin ay nakatanggap pa ng noche buena package at bigas ang mga motorista at drivers.
Matatandaang namahagi na rin ng libreng full face helmet ang city mayorβs office at tmeu noong disyembre na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga mamamayan lalo na ng mga motorista at drivers.
Lahat ng ito ay ginawa upang mahikayat ang publiko na sundin ang batas-trapiko kasabay ng pagbibigay sa mga motorista at traysikel drivers ng ayuda.
Layon din nito na manatiling ligtas ang biyahe ngf bawat motorista pati na mga backriders sa pamamagitan ng pagsusuot ng full-face helmet at pagsunod sa mga itinatakda ng batas.
Ang matipid at mahusay na paggamit ng pondo ng pamahalaan ay isang tunay na sukatan ng pagiging tapat, malasakit, at kabutihang loob ng isang pinuno.
Ito ang pinatunayan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na sa kanyang kauna-unahang termino bilang alkalde ay nagpatupad ng mga hakbang na magsusulong ng kabutihan hindi lamang ng mamamayan kundi ang pagkakaroon ng maayos na pamamalakad ng local na pamahalaan.
Kaya naman kinilala ngayon at hinahangaan sa buong Pilipinas ang alkalde at ang Lungsod ng Kidapawan dahil sa nakamit nitong parangal mula sa Department of Energy o DOE. Ito ang 2022 Energy Efficiency Excellence Award na iginawad mismo ni Energy Secretary Raphael Lotilla kay Mayor Evangelista ilang araw bago sumapit ang Pasko. Sa pangunguna ng alkalde ay naipatupad ang ibaβt-ibang paraan at inisyatiba upang makatipid sa paggamit ng kuryente at gasoline sa hanay ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng kuryente ay nagawang magtipid ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ng abot sa 17,805kWH ng kuryente at abot sa 56,822 litro ng gasoline at ito ay sa mahusay na pamamahala ni Mayor Evangelista at kooperasyon ng mga manggagawa sa bawat departamento. Isang Certificate of Excellence mula sa Department of Energy ang iginawad kay Mayor Evangelista bilang pagkilala sa nagawang ito.
Ito naman ay sa pamamagitan ng tamang oras sa paggamit ng air-conditioning units, computers, laptops at iba pang electrical devices o kagamitang de-kuryente nap ag-aari ng local na pamahalaan. Ipinatupad din ang tinatawag na Global Positioning System o GPS sa mga sasakyan ng pamahalaan upang matingnan at malaman ang mga biyahe o destinasyon ng mga sasakyan ng pamahalaan. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng mga Light Emitting Diode o LED na mga bombilya at solar lights na kumukuha ng anerhiya mula sa init ng araw kayaβt napakatipid.
Naniniwala ang alkalde na hindi magiging hadlang ang pagtitipid at wastong paggamit ng resources tulad ng kuryente at gasoline upang makapagbigay ng maayos, mahusay, at matiwasay na serbisyo ang LGU. Para sa kanya, ito ay isang hakbang upang ipakita sa lahat ang mabuting nagagawa ng pagtitipid ng resources ganundin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa pagdating sa wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Tunay na hinangaan ng DOE at ng sambayanan ang nagawang ito ni Mayor Evangelista na sa kabila ng pagiging batang lider at kauupo lamang sa puwesto ay nakagawa na ng mga bagay na magiging basehan o modelo ng kahit sino pa man glider na tulad niya. Kaya naman lumikha ng marka sa larangan ng mabuting pamamahala si Mayor Evangelista at kaugnay nito, hinikayat niyang muli ang mga mamamayan lalo na ang mga manggagawa ng gobyerno na laging pairalin ang tamang gawain at laging unahin ang kapakanan ng mamamayan. (CIO-jscj//pb//if)ALAAN
Ang matipid at mahusay na paggamit ng pondo ng pamahalaan ay isang tunay na sukatan ng pagiging tapat, malasakit, at kabutihang loob ng isang pinuno.
Ito ang pinatunayan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na sa kanyang kauna-unahang termino bilang alkalde ay nagpatupad ng mga hakbang na magsusulong ng kabutihan hindi lamang ng mamamayan kundi ang pagkakaroon ng maayos na pamamalakad ng local na pamahalaan.
Kaya naman kinilala ngayon at hinahangaan sa buong Pilipinas ang alkalde at ang Lungsod ng Kidapawan dahil sa nakamit nitong parangal mula sa Department of Energy o DOE. Ito ang 2022 Energy Efficiency Excellence Award na iginawad mismo ni Energy Secretary Raphael Lotilla kay Mayor Evangelista ilang araw bago sumapit ang Pasko. Sa pangunguna ng alkalde ay naipatupad ang ibaβt-ibang paraan at inisyatiba upang makatipid sa paggamit ng kuryente at gasoline sa hanay ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng kuryente ay nagawang magtipid ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ng abot sa 17,805kWH ng kuryente at abot sa 56,822 litro ng gasoline at ito ay sa mahusay na pamamahala ni Mayor Evangelista at kooperasyon ng mga manggagawa sa bawat departamento. Isang Certificate of Excellence mula sa Department of Energy ang iginawad kay Mayor Evangelista bilang pagkilala sa nagawang ito.
Ito naman ay sa pamamagitan ng tamang oras sa paggamit ng air-conditioning units, computers, laptops at iba pang electrical devices o kagamitang de-kuryente nap ag-aari ng local na pamahalaan. Ipinatupad din ang tinatawag na Global Positioning System o GPS sa mga sasakyan ng pamahalaan upang matingnan at malaman ang mga biyahe o destinasyon ng mga sasakyan ng pamahalaan. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng mga Light Emitting Diode o LED na mga bombilya at solar lights na kumukuha ng anerhiya mula sa init ng araw kayaβt napakatipid.
Naniniwala ang alkalde na hindi magiging hadlang ang pagtitipid at wastong paggamit ng resources tulad ng kuryente at gasoline upang makapagbigay ng maayos, mahusay, at matiwasay na serbisyo ang LGU. Para sa kanya, ito ay isang hakbang upang ipakita sa lahat ang mabuting nagagawa ng pagtitipid ng resources ganundin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa pagdating sa wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Tunay na hinangaan ng DOE at ng sambayanan ang nagawang ito ni Mayor Evangelista na sa kabila ng pagiging batang lider at kauupo lamang sa puwesto ay nakagawa na ng mga bagay na magiging basehan o modelo ng kahit sino pa man glider na tulad niya. Kaya naman lumikha ng marka sa larangan ng mabuting pamamahala si Mayor Evangelista at kaugnay nito, hinikayat niyang muli ang mga mamamayan lalo na ang mga manggagawa ng gobyerno na laging pairalin ang tamang gawain at laging unahin ang kapakanan ng mamamayan. (CIO-jscj//pb//if)