ACCOMPLISHMENTS, LIGTAS NA PAMAYANAN AT IBA PANG AKTIBIDAD NGAYONG FIRE-PREVENTION MONTH

You are here: Home


NEWS | 2023/03/20 | LKRO


thumb image

INILAHAD NG BFP KIDAPAWAN
KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2022) – SA temang “Sa Pag-iwas Sa Sunog Hindi ka Nag-iisa” ay lalo pang pinalakas ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan ngayong buwan ng Marso (Fire Prevention Month) ang kampanya laban sa sunog at mapanatili ang isang fire-safe community.
Ito ang binigyang-diin ni CINSP Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng Kidapawan City kasabay ang paglalahad ng mga napagtagumpayan ng BFP Kidapawan at iba pang mga aktibidad sa ginanap na Flag raising Ceremony at Monday Convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 20, 2023.
Bago pa man pumasok ang buwan ng Marso ng 2023 ay naglagay na ng mga fire safety advocacy tarp at banner ang BFP Kidapawan sa mga tanggapan ng gobyerno at mga business establishments sa lungsod.
Pagsapit ng March 1, 2023 ay nagsagawa ng Kick-off Ceremony ang BFP Kidapawan kung saan nakapaloob ang month-long activities para sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month at kabilang dito ang motorcade, nationwide simultaneous blowing of horn, pagpapalakas ng ugnayan sa 18 grupo para sa fire safety and protection advocacy, live streaming ng BFP OPLAN Fire Prevention Month (nationwide).
Pagsapit naman ng Marso 2, 2023 ay binuksan ang BFP Kidapawan open-house station tours, pamamahagi ng fire safety leaflets sa mga barangay at iba pang serbisyo sa pagsasagawa ng Kidapawan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo (KDAPS).
Pasok din sa mga aktibidad ngayong Marso bilang Fire Prevention Month ang fire safety and advocacy art contest, poster-making, photography, at spoken word contest.
Maliban rito ay pinalakas din ng mga local firefighters ang firetruck visibility patrol at ang pagtungo sa mga barangay upang ibahagi ang Oplan Ligtas na Pamayanan (OLP).
Magandang balita rin mula sa BFP Kidapawan ang pagtatatag ng Community Fire Protection Plan sa mga barangay ng Paco, Balindog, at Kalaisan.
Mula Marso 21-27, 2023 naman ay isasagawa ang Luntian Kidapawan “Fire Square” and road show sa Gaisano Grand Mall of Kidapawan kung saan palalakasin ang isang interactive life, safety and emergency procedures at mga simulations na angkop sa kakayanan ng mga batang mag-aaral pati na mga young adults (18-22 years old) na siya namang kauna-unahang pagkakataon sa Kidapawan City at sa buong Province of Cotabato.
Pagsapit naman ng March 31, 2023 ay gagawin ang Culmination Program ng Fire Prevention Month sa pangunguna ng BFP Kidapawan kasama ang mga partner agencies at stakeholders.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni City Mayor Evangelista ang BFP Kidapawan sa pangunguna ni Fire Marshall CISNP Marleap Nabor sa lahat ng mga hakbang at pagsisikap ng tanggapan upang mapanatili ang kaligtasan ng pamayanan mula sa sunog. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio