π—£π—œπ—‘π—”π—žπ—”π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—‘π—œπ—‘π—š π—¦π—œπ—§π—˜ 𝗙𝗒π—₯ π—”π—šπ—₯π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯π—˜ π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π—žπ—œπ——π—”π—£π—”π—ͺ𝗔𝗑

You are here: Home


NEWS | 2023/03/28 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 28, 2023) – BINUKSAN na ngayong araw na ito ng Martes, March 28, 2023 ang Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. na matatagpuan sa Purok Guyabano, KM 116 Paco, Kidapawan City at siyang pinakabagong Learning Site for Agriculture (Level 1).

Dumalo sa simpleng Opening Ceremony and Unveiling of Signage ng Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. ang ilang mga heads at representatives ng iba’t-ibang ahensiya na kinabibilangan nina Engr. Franklin Beltran (TESDA), Jose Cabulanan (Dept of Tourism), Ruel Villanueva (OPAG), City Agriculturist Marissa Aton, Punong Barangay Edgarlito Elardom mga personnel mula sa DA-ATI12 at iba pang mga bisita.

Naitatag ang CIFCTI matapos na irekomenda ito ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista upang mabigyan ng accreditation bilang learning site (Level 1) at makapasa sa mga requirements na itinakda ng DA-ATI12 tulad ng orientation of the prospective LSA, accomplishment of the farm profile form, field validation/ocular inspection, LSA development plan, at iba pa.

Sa pamamagitan ng CIFTCI ay magkakaroon ng pagkakataon ang magsasaka kabilang ang mga young farmers na mabigyan ng sapat na training sa mga makabagong pamamaraan ng agrikultura sa tulong ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang agricultural technologies, doable farming strategies, emulation, at iba pa.

Nakapaloob din sa mga pakinabang bilang learning site for agriculture (Level 1) ang mga sumusunod – practicum area, venue for practical and hands-on training, visitation area, On-the-Job Training (OJT) site for ATI scholars and other interested students/individuals.

Ang CIFTCI na ang pang-apat na Learning Site for Agriculture sa Kidapawan City. Ang tatlong iba pa ay kinabibilangan ng La Villa Aqua Farm (Brgy Manongol), Dr. Alfred Essentials (Brgy Birada) at Heavens Bounty Farm (Binoligan).

Ginawaran naman ng Certificate of Learning Site for Agriculture mula sa DA-ATI12 si Engr. Jimmy Fontanilla, may-ari ng CIFTCI na nagpapatunay na may angkop na kakayahan ang kanyang pasilidad para sa pagpapaunlad ng kaalaman, produksiyon, at kita ng mga magsasaka o iba pang indibidwal o grupo mula sa sektor ng agrikultura.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng unveiling of signage ng CIFTCI na sinaksihan ng mga nabanggit na heads at representatives, barangay officials, farmers, at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring bumisita sa CIFTCI o tumawag sa CP no. 0910-555-7247 o di kaya ay makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculturist sa City Hall, Barangay Avenue Drive, Brgy. Poblacion, Kidapawan City o magpadala ng email sa [email protected] (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio