π—•π—Ÿπ—˜π—¦π—¦π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—”π—‘π—œπ—  𝗑𝗔 π— π—šπ—” π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗕𝗨𝗦, π—₯π—˜π—£π—’π—₯𝗧𝗦, 𝗔𝗧 π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ 𝗒𝗙 π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜π—₯𝗦 π—§π—”π— π—£π—’π—ž 𝗦𝗔 πŸ­πŸ¬π—§π—› π—”π—‘π—‘π—¨π—”π—Ÿ π—”π—¦π—¦π—˜π— π—•π—Ÿπ—¬ π—‘π—š π— π—œπ—‘π—§π—₯𝗔𝗑𝗦𝗦𝗖𝗒

You are here: Home


NEWS | 2023/03/31 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 30, 2023) – NAGING highlight ng ika-10 Regular Annual Assembly ng Mindanao Transportation Service Cooperative o MINSTRANSSCO ang blessing ng kanilang anim na mga bagong passenger bus na may rutang Makilala-Digos City-Toril. Isinagawa ang blessing and formal turn-over ng nabanggit na mga sasakyan mula sa AutoKid (supplier) kasama ang ilang personnel mula sa Development Bank of the Philippines o DBP (financier), Cooperative Development Authority o CDA alas-9 ng umaga sa City Pavilion.Nanguna sa pagtanggap sa mga bagong bus ang mga opisyal ng MINTRANSSCO na kinabibilangan nina Vice Chairman Rommel Nambong, Board of Directors Elmer Bernaldez at Danilo Costes, Secretary Van Aragon at iba pa.Ang MINTRANSSCO ay rehistrado sa CDA sa Lalawigan ng Cotabato at nakapagbigay ng trabaho at iba pang tulong sa maraming miyembro nito.Ginanap naman sa City Gymnasium ang nabanggit na assembly pagsapit ng alas-10 ng umaga kung saan dumagsa ang mga opisyal at miyembro ng MINTRANSSCO mula sa Lungsod ng Kidapawan at mga kalapit na bayan ng M’lang, Tulunan, Bansalan, at Arakan.Si Acting City Administrator Janice Garcia ang ipinadala ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa aktibidad upang ihatid ang kanyang pagbati sa MINTRANSSCO lalo na sa mga opisyal at kasapi nito.Ginanap din ang Chairman’s Report at Financial Statement Report at ang election of new set of officers (2023-2024) na kinabibilangan ng BOD Chairman, Vice-Chairman, BOD, Treasurer, Secretary at mga Chairperson ng iba’t-ibang committees tulad ng Audit, Election, Education, at Ethics kung saan Oath-Taking ang mga ito sa harapan ni Demetillo Bernabe, ang City Cooperative and Development Officer ng Kidapawan. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio