NEWS | 2023/04/14 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Abril 14, 2023) β MATAGUMPAY na isinagawa ngayong araw na ito ng Biyernes, Abril 14, 2023 ang Groundbreaking Ceremony at Laying of Capsule ng gagawing Kidapawan City Circumferential Road (By-Pass and Diversion Roads) sa bahagi ng Barangay Nuangan at bahagi ng Barangay Magsaysay ng lungsod.Nagkakahalaga ng P183,350,000.00 ang naturang proyekto na ang pondo ay mula sa General Appropriations Act – Dept of Public Works and Highways – Regular Fund na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Government of Kidapawan.Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa seremonya ng groundbreaking ng proyekto kasama si Engr. Eliseo Ontoc, MPA (DPWH District Engineer) at ang espesyal na panauhin sa katauhan ni 2nd District of Cotabato Representative Rudy S. Caoagdan. Sisimulan naman ang konstruksiyon ng proyekto sa Abril 25, 2023 at inaasahang matatapos sa loob ng 310 calendar days kung saan tuluyan ng magagamit para maibsan ang mahigpit na daloy ng trapiko sa national highway.Kaugnay nito, pinasalamatan ni Nuangan Punong Barangay Cristina Padaya ang City Government of Kidapawan at si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa ahensiya ng pamahalaan at sa pagsisikap nito na maisakatuparan ang napakahalagang proyekto. Kasama ng alkalde sa groundbreaking at laying of capsule ang mga konsehal ng Lungsod ng Kidapawan na sina Francis Palmones, Jr. Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Jason Roy Sibug, Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Michael Earvin Ablang, at si ABC Kidapawan President at Ex-Oficio Morgan Melodias. Nasa aktibidad din si City Engineer Lito Hernandez at mga residente ng nabanggit na mga barangay. (CIO)