๐—›๐—œ๐—š๐—›๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—•๐—˜๐—˜๐—ž๐—˜๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€™ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ž๐—œ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐—ก (๐—›๐—จ๐—•๐—”๐—ž) ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ž๐—ง๐—œ๐—•๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ

You are here: Home


NEWS | 2023/04/14 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 13, 2023) โ€“ BILANG bahagi ng pagpapalago ng kanilang produksiyon at kita, isinagawa ng Highland United Beekeepersโ€™ Association of Kidapawan o HUBAK ang isang mahalagang proseso na kung tawagin ay stingless bee rearing and colony splitting.Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, mahalaga ang prosesong ito sa layuning maparami ang mga colony o propagation of stingless bee. Nakapaloob sa proseso ang paglalagay ng mga bee colony sa isang splitting area gamit ang mga kahon o wooden boxes upang paglipatan ng mga bee colony at nang sa gayon ay dumami o madagdagan pa ang mga colony o bahay ng mga bubuyog pati na ang mga queen bee.Kailangan namang magsuot ng mga proteksyon sa mukha at katawan ang mga miyembro ng HUBAK na magsasagawa ng stingless bee rearing and colony splitting. May apat na venue naman kung saan isinagawa ang nabanggit na proseso ng rearing and colony splitting at ito ay kinabibilangan ng Heavenโ€™s Bounty Farm (Barangay Binoligan), Bayot Farm (Barangay Balindog), Dikoyโ€™s Farm (Lower Nuangan), at Cresenta Integrated Farm (Barangay Indangan).Kasamang nagsagawa ng nabanggit na proseso ang ilang mga key personnel ng HUBAK at ito ay sina Corafer Moreno (Coordinator), Marc Joshua Padua (President), Garry Ayuste (Coach at Proprietor ng BEEngo Farm na nakabase sa Tunga, Leyte at mga miyembro ng HUBAK. Itinatag ang HUBAK alinsunod sa kautusan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista upang mapalago ang beekeeping at honey production sa lungsod at maging bahagi ng income-generating livelihood ng mga mamamayan.Makakatulong din ito sa pagkakaroon ng balanse sa ecosystem ng lugar. (CIO//Photos by Highland United Beekeepersโ€™ Association of Kidapawan)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio